CRISTIANNA’S POVPagkatapos naming magtanghalian, muli kong tinulungan si mama sa pagliligpit ng mga pinagkainan at paghuhugas kahit na nagpumilit pa si Rocky na tumulong. Tinaboy siya ni mama sa kusina at sinabing mag-enjoy na lang sa paglalaro ng video games kasama si Chris at ng kambal.Ngayon ay naiwan kami ni mama sa kusina, may makahulugang tingin sa akin. Napabuntong-hininga ako nang mabasa kung anong klaseng tingin iyon.“Mali ‘yang iniisip mo, ma,” tanggi ko kaagad kahit na wala pa nga. Ayan nagtunog-defensive tuloy ako.Umiling si mama. “Wala pa naman akong sinasabi, anak. Tinitingnan lang kita.”“Mama, alam ko na iyang mga tingin mo. Para saan pang naging ina kita, ‘di ba?” rebat ko at nagsimulang sabunin ang mga plato.“Hindi naman kita pinagbabawalang umibig, anak. Nasa tamang edad ka na. Sigurado akong alam mo na ang ginagawa mo,” malumanay na wika ni mama, tila hinehele ako at tinatanggal ang mga pag-aalinlangan sa puso ko.Napaiwas ako ng tingin sa kanya at humigpit an
Last Updated : 2025-11-16 Read more