CRISTIANNA’S POV Napagdesisyunan kong mag-CR na lang din dahil siguradong may katagalan pa ang byahe namin. Nasa express highway pa lang din kasi kami at alam kong mahaba-haba pa ang babagtasin naming daan. Saka medyo masakit na rin ang sikmura ko. Might as well dumumi na nga rin talaga. “Tututudturu, hmm, mhm…” I hummed while my eyes were wandering around the cubicle. In fairness, malinis ang CR nila. Ang iba kasing gasoline station, jusko! Nanggigitata ang mga banyo! Habang nasa loob naman, napukaw ng pandinig ko ang boses ng lalake sa labas. Hindi klaro sa akin ang boses niya dahil bukod sa kulob ang CR, nasa dulong cubicle ako pumwesto. Kumunot ang noo ko. Si Rocky ba ‘yun? Pinakinggan ko ang muffled na boses na nanggagaling sa lugar na iyon. Kahit na medyo malabo, kahit papaano ay nasusundan ko pa rin mga sinasabi niya. “Yes, boss. Nakasunod lang ang kotse ko sa kanilang dalawa. Nakahinto sila ngayon sa gas station.” Huh? Sino kayang tinutukoy niya? Psh. Chismosa ka, Crist
Last Updated : 2025-11-22 Read more