CRISTIANNA’S POV Nagising ako nang may humaplos sa noo ko. Pupungas pa akong dumilat ngunit nang makita si mama na nakangiti sa akin ay tuluyan ng nagising ang diwa ko. “Mama!” tuwang-tuwa na bulalas ko at hindi napigilan na yakapin siya. Muntik pa akong maiyak ngunit mahina lamang siyang tumawa. “Kumalma ka, anak. Baka atakihin ka sa puso r’yan,” pagbibiro pa ni mama. “Masaya lang ako, mama. Akala ko talaga mawawala ka sa amin, eh.” Ngumuso ako. “Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na may nararamdaman ka na pala.” Lumamlam ang mga mata ni mama. “Pasensya ka na, anak. Ayaw ko lang naman dumagdag sa mga pasanin mo.” “Mama naman…” Tumayo ako upang tumabi sa kanya, nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa malaking kama niya. “Hindi ka kailanman pasanin sa akin, okay? Huwag mo na ulit sasabihin iyan. Ikaw ang mama ko. Kung wala ka, wala rin ako.” Napangiti si mama sa sinabi ko at siya na ang yumakap sa akin. Halos lumundag ang puso ko sa saya. Hindi kasi mahilig si mama sa physical
Last Updated : 2025-10-01 Read more