CRISTIANNA’S POVAs usual, sa isang high-end restaurant na naman kami kumain. Maraming tao sa loob dahil nga lunch break na. May mga bulungan, may mga tawanan, at may ibang mga mahihinang pagrereklamo mula sa mga bata na sumasabay sa tugtog ng restaurant. Dinala lang kami ng receptionist sa pinakasulok kung saan doon ni-request ni Rocky na pumwesto kami. Pagkatapos noon ay inabutan lang kami ng tig-isang menu.“What are you going to get?” he asked while eyeing the menu.Nagkibit-balikat na lamang ako sa kanya. “Kung ano ang kukunin mo, iyon na lang din ang akin.”His brows arched as he turned his attention to me, folding the menu neatly and setting it aside. “You don’t want to pick your own food?” Umiling lamang ako, iniiwasan ang tingin niya. Nahihiya din kasi ako sa kanya dahil sa nangyari sa kotse. Kahit na mukhang wala naman siyang alam, ginagambala pa rin ako ng isipin na tila ba ay desperadang-desperada ako pagdating sa kanya.At isa pa, hindi naman ako familiar sa mga pagkai
Last Updated : 2025-12-24 Read more