CRISTIANNA’S POVOne word. Pucha.Iyan lamang ang tangi kong masasabi sa ngayon. Hindi ako makahinga. Ang puso ko na madalas ay kalmado sa mga normal na okasyon ay hindi magkamayaw gayong nakayakap lang naman si Rocky sa likod ko. Humigpit ang pagkakakapit niya sa baywang ko, ang diin ay may kung anong ipinaparating sa akin.Sinubukan kong tanggalin ang pagkakalingkis niya sa akin ngunit mas lalo niya pang hinigpitan kaya mas nakadikit na ang likod ko sa basa at hubo niyang dibdib nigayon. His body was warm, too warm for me. Sapat na sapat ang init ng katawan niya sa katawan kong nilalamig dahil sa matagal kong pagkababad sa tubig. Kahit nga na nakatapis ako ng tuwalya ay tumatagos sa likod ko ang init niya.“Rocky, bitiwan mo ako…” I gritted my teeth as I tried to remove his grip again.“No, Cristianna. I need you to hear me. Word for word.”“I heard you, okay? Dinig na dinig kita. Please, bitiwan mo na ako,” muli kong pagmamakaawa. Tinangka kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa ak
Last Updated : 2025-11-30 Read more