Maagang nagising si Evie sa tunog ng ulan na may kasamang hangin at humahampas iyon sa bintana ng kanilang kwarto. Ang dilim ng umaga ay bumabalot pa sa buong Top Town, at tanging mga patak ng ulan at iilang boses ng mga guwardiya ang maririnig. Sa tabi niya, tulog ang maliit niyang anak— mahimbing, payapa, parang walang kamalay-malay sa magulong mundong ginagalawan ng kanyang ina. Sa kabilang gilid naman ay mahimbing din ang tulog ni Amora.Pinagmasdan niya ito sandali, marahang hinaplos ang pisngi. “Wala kayong dapat katakutan, mga anak,” bulong niya. “Ang lahat ng ‘to, ginagawa ko para sa inyo.”Tumayo siya at maingat na nagbihis ng itim na training gear. Sa salamin, nakita niya ang sariling mukha— maputla, may bakas ng puyat at pagod, ngunit ang mga mata… matalim pa rin, puno ng apoy.Paglabas niya ng mansyon ay sinalubong siya ng hangin at halimuyak ng basang lupa. Nakita niya si Sol na nakasandal sa pader, bitbit ang isang tasa ng kape.“Wala ka talagang pahinga, ano?” sabi nito
Huling Na-update : 2025-10-27 Magbasa pa