"W-What do you mean?" naguguluhang tanong ni Russell. Halata na rito ang pagkabalisa."I was seven years old, both of you were ten," panimula ni Evie. "Nasangkot tayo sa isang aksidente, kaya nagkaroon tayo ng dissociative amnesia. And you mayor, pinaputukan mo ako ng baril that time, thinking it was a toy. Someone gave that to you, right?""H-Hindi ko maalala..." mahinang naiusal ni Emmanuel, halatang balisa na rin."Naalala ko ang lahat."Noong mga panahong nasa ilalim siya ng matinding training, noong mga panahong sinasanay niya ang sarili sa paggamit ng baril, sa pag-asinta ng tama... doon, bumalik ang mga alaala na kay tagal nawala sa kanya.Akala niya ay tapos na iyon. Kaya hinayaan niya na lang at hindi na masyadong inisip pa. Abala rin siya sa pagsasanay at sa mga misyon.Pero ngayon ay hindi niya akalain na magagamit niya ang mga alaalang iyon. Na iyon pala ang simula para mapatagpi-tagpi niya ang lahat."Ang taong nagbigay sa iyo ng baril na iyon ay naaalala ko rin," dagdag
Last Updated : 2025-10-31 Read more