Share

Chapter 55

Author: Sky_1431
last update Last Updated: 2025-10-25 22:35:06

"Magsalita ka!" sigaw ni Russell sa babaeng duguan sa harapan niya, ang babaeng naka-face mask na lumapit at kumausap kay Evie.

Ngumisi ito sa kanya na mas lalong nagpainit sa ulo ni Russell. Sinipa niya ito sa tiyan at tumilapon ito sa dingding. Dinig niya ang pag-ungol nito dahil sa pagkakabangga ng likod sa sementadong dingding.

"Tama na!" sigaw ni Emmanuel kay Russell at hinila ito papalayo sa babae. "Mapapatay mo siya sa lagay na iyan!"

"Papatayin ko talaga siya kapag hindi pa siya nagsalita!" sigaw ni Russell at nagpupumiglas para lang makawala sa pagkakahawak ni Emmanuel sa kanya.

"Paano pa iyan makakapagsalita?" nang-uuyam na tanong naman ni Raquel. "Sa tingin mo ay may makukuha tayo sa kanya kung ganyan ang pamamaraan mo?"

Dahan-dahang umupo ang babae mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. "I-Ito ba ang pa-welcome party m-mo sa akin pagkatapos ng apat na taon?"

Nahihirapan na ito sa pagsasalita pero nakuha pa nitong ngumisi.

"Dapat lang iyan sa iyo!" sigaw muli ni Russell. "M
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 89

    Mainit ang hangin nang bumukas ang pinto ng private terminal sa Al Maktoum Airport. Isang amoy ng mamahaling perfume, jet fuel, at disyertong alikabok ang unang sumalubong kay Gray—ang pinakamalakas na espada ni Mireille, ang babaeng kinikilala sa black world bilang reyna ng The Revenant.Tahimik siyang bumaba ng jet, suot ang simpleng puting long sleeves, beige slacks, at dark sunglasses. Para lang siyang ordinaryong OFW na papasok bilang yaya—hindi ang babaeng minsang tinaguriang The Silent Catastrophe ng assassination circuit.At iyon ang pinaka-kailangan niya ngayon: ang maging invisible.Nasa dalawang baggage lang ang dala niya:Isang malaking maleta para sa props ng pagiging nanny—damit, modest dresses, aprons, notebook para daw sa bata.At isang backpack—kung saan nakatago ang totoong siya: wrist blades, pang-jam ng CCTV, at encoded phone na exclusive line niya kay Mireille.Pero hindi iyon nakikita ng sinuman.Gray walked with a calm, controlled pace. Hindi siya sanay sa mabag

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 88

    Sa command center ng Lacroix-Toporov Alliance, tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng mga server at mga monitor na naglo-load ng data. Nakaupo sa harap ng mga monitor si Nikola habang si Rion naman ay nasa sa gilid ng malaki at modernong conference table. Ang kanyang mata ay nakatutok sa harapan— kina Evie at Russell, mga halatang may dala-dalang alaala ng nakaraan.“Mama,Papa,” simula ni Rio, may bahid ng kaba sa boses. “I’ve been trying to understand what really happened that night, fifteen years ago. You never really told me.”Tahimik na tumingin si Evie kay Rio. Ang dibdib niya ay mabigat, bumabalik sa mga alaala na gusto niyang itago. Si Russell naman ay nakayuko, hawak ang baso ng tubig at halatang iniisip kung paano niya sisimulan.“Rio,” mahina ang panimula ni Evie. “You’re not there that night, kaya siguro it's about time na malaman mo kung anong nangyari, para maintindihan mo ang lahat."Malumanay ngunit may bigat na nagsalita si Russell. “It was chaos. It was a pl

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 87

    Tahimik ang buong silid nang dumating si Gray. Madilim, malamig, at tanging mahinang ilaw mula sa holographic panel ang nagbibigay-liwanag kay Mireille na nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Ang babaeng kinatatakutan ng halos lahat sa Black Network— maliban kay Gray— ay nakasuot ng pulidong itim na suit, mukhang hindi pa natutulog kahit dalawang araw nang may sunod-sunod na operasyon.Pagpasok ni Gray, wala siyang dala kundi ang maliit na wrist console at ang malamig niyang ekspresyon na tila walang kahit anong bigat ng mundo ang makakaantig dito.“Sit,” maikling utos ni Mireille.Tahimik siyang tumalima. Ang bawat kilos ni Gray ay kontrolado, magaan, ni walang bahid ng kaba o pagdadalawang-isip. Parang sinanay buong buhay para sa ganitong tagpo— na totoo naman.Inayos ni Mireille ang isang folder sa harap niya. Makapal, maraming naka-attach na encrypted pages at sealed data chips. Iba ang aura ng misyon na ito—hindi ito basta-basta.“Gray,” panimula ni Mireille, malamig ang tono. “You

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 86

    Tahimik ang umaga sa command base ng Lacroix-Toporov Alliance, ngunit mabigat ang hangin. Ang mga ilaw sa war room ay kumikislap habang naglo-load ang data mula sa huling mission ni Rio. Sa gitna ng malaking holographic table, nakatayo sina Evie, Russell, at Nikolai, habang si Rio ay nakaupo sa gilid, tahimik pero halatang hindi mapakali.“Balikan natin ito,” malamig na sabi ni Evie.Muling pinindot ni Nikolai ang playback. Sa hologram, lumabas ang eksaktong laban ni Rio kay Gray—mabilis, brutal, at halos pantay ang galaw. Pero sa sandaling tumingala si Gray sa camera, lumitaw ang isang pares ng mata na hindi kailanman makakalimutan ni Evie.Tumigil ang video.Tahimik ang lahat. Wala ni isa ang nagsalita.“Mom…” mahinang sabi ni Nikolai, “sigurado ka ba?”Dahan-dahang umupo si Evie, tinatakpan ng kamay ang labi. “Hindi ko makakalimutan ang mga matang ‘yon. Kahit sa impiyerno ko pa siya makita— alam kong siya ‘yon. Siya nga si Amora.”Nagkatinginan sina Russell at Rio. Sa mga mata ni R

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 85

    Tahimik ang buong compound ng Lacroix-Toporov Alliance. Ang dating mainit na base ng operasyon ay ngayon puno ng mga holographic screen, data servers, at mga digital maps ng buong Europe at Asia.Sa gitna ng lahat ng ito, nakaupo si Nikolai, the quiet storm behind the entire empire. Sa loob ng black network, kilala siya bilang Cipher, ang hacker na kayang magpatumba ng buong gobyerno sa loob lamang ng tatlong minuto.“Rio, I’ve cracked the last firewall,” sabi ni Nikolai sa comms, habang mabilis na tumatakbo ang codes sa screen. “Target frequency trace complete. The Revenants moved their base somewhere in Eastern Europe.”Sa kabilang linya, maririnig ang kalmadong boses ni Rio na kasalukuyang nasa field operation sa Ukraine. “Copy that. Send coordinates.”Mabilis na pinindot ni Nikolai ang ilang command keys. Sa holographic map, lumitaw ang markadong lugar— isang lumang fortress sa gilid ng kabundukan.“Got it,” wika ni Rio. “If this is right, that’s where Gray’s team stashed the last

  • The Mafia's Marked Nanny   Chapter 84

    Labinlimang taon na ang lumipas mula nang araw na iyon. Mula noon, nagbago ang lahat. Nawala si Amora sa kanila at hindi nila alam kung nasaan na ito o buhay pa ba ito.Nawalan ng malay si Evie noon dahil sa apat na balang tumama sa kanya. Bago pa man makatakas si Marionne, ay nabaril na ito ni Russell.Oo, dumating sila Russell nang araw na iyon.Pero si Amora ay hindi na nila mahagilap.Hindi rin nila makausap nang maayos si Marionne dahil mayroon itong multiple personality disorder. Ayon sa doktor na sumuri dito ay bunga iyon ng matinding pinagdaanan nito.Mula noon ang mundo ng mga sindikato ay muling nagkaroon ng bagong balanse— sa pagitan ng Lacroix-Toporov Alliance at ng iba pang pwersang umusbong sa dilim.---Venice, Italy — present.Tahimik ang gabi, maliban sa patak ng ulan at ingay ng mga motor mula sa malalayong kalye. Sa tuktok ng isang lumang gusali, nakaluhod si Gray, nakasuot ng dark combat suit, may night-vision goggles at silencer rifle. Sa ilalim ng hood, ang kanya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status