"Hindi ba magtataka si Kuya Russell kung bakit ka rito matutulog?" tanong ni Sunshine habang pinapanood si Evie na inaayos ang mga unan na dala niya sa kama nito."Mommy..."Sabay na nilingon nina Evie at Sunshine si Amora sa may pinto, may bitbit itong unan at ang kanyang teddy bear.Natigil si Evie sa ginagawa at hindi na napigilan ang sarili na umiyak."Ate..." Kaagad siyang dinaluhan ni Sunshine, mababakas sa mukha nito ang pag-aalala."What's wrong, mommy?" Nakalapit na pala si Amora sa kanya at nakatingala, kita sa mga mata nito ang pagtataka."Oh gosh, Amora..." Kaagad na lumuhod si Evie sa at niyakap si Amora. "What am I gonna do now?""Just follow your heart, mommy."Kumalas ng yakap si Evie at nagtataka itong tumingin sa inosenteng bata pero kay tabil na ng dila. Napatingin naman siya kay Sunshine na nakakunot na rin ang noo.Nabalik naman kaagad ang tingin ni Evie kay Amora nang magsalita ito."In any situation, always choose love."Hindi alam ni Evie kung saan nakuha ni Am
Huling Na-update : 2025-10-16 Magbasa pa