Nanadya ba talaga ang tadhana?Pagpasok pa lang ni Evie sa bahay na minsan nang nagbigay sa kanila ng magandang alaala ay para bang nakaramdam siya ng pangungulila.Napatanong siya sa sarili kung bakit parang hindi man lang nagbago ang ayos ng bahay nila.Prente man siyang nakaupo sa may sala pero ang mga mata niya ay nililibot na ng tingin ang kabuuan ng bahay."Feel at home ka lang, ha?" nakangiting saad ni Laarnie na nakaupo sa katapat niyang sofa. "Naghahanda lang si Benjie ng meryenda.""Ang aliwalas ng buong bahay," wala sa sariling nasambit ni Evie habang abala pa rin ang kanyang mga mata."Naku, nakakahiya nga, eh," nahihiyang sagot ni Laarnie. "Mansyon iyong bahay ninyo samantalang itong amin ay..."Mula sa kung saan ay nalipat ang tingin ni Evie kay Laarnie. "Tumira din naman ako sa ganitong bahay noon. Isa pa ay sanay kami sa hirap ng kapatid ko sa loob ng mahabang panahon.""Magpalamig ka muna, Miss Evie," singit ni Benjie sa usapan nila ni Laarnie at nilapag ang isang tra
Huling Na-update : 2025-10-12 Magbasa pa