Habang isa-isang kumakalas ang mga butones, dahan-dahang lumitaw ang makinis na balikat ni Kyline. Napakunot ang noo ni Shawn, at bago pa maibaba ang tela, mabilis niyang hinawakan ang damit na tinatanggal niya.“Get dressed,” malamig pero mariing sabi niya. “May ibang lalaki rito.”Kaagad namang napaubo si Ronald, halatang nahiyâ. “Sir Shawn, bigla kong naalala… may kailangan pala akong ayusin.” At mabilis na lumabas ng silid.Hindi tumigil si Kyline. Tahimik ang mukha, walang bakas ng pag-aalinlangan habang hinuhubad ang pang-itaas. Nang tuluyang bumaba ang tela hanggang beywang, lumantad sa harap ni Shawn ang likod niyang mahaba, balingkinitan, at punô ng magagaspang na peklat.Suminghap si Shawn.“These scars,” paliwanag ni Kyline, “galing ‘yan sa mga debris ng pagsabog. The day I saved you.”Parang may nanigas sa dibdib ni Shawn habang nakatitig sa hindi pantay-pantay na mga marka. At sa isang iglap, bumalik sa isip niya ang gabing iyon, ang batang babae na sumugod sa kanya, tina
Last Updated : 2025-11-28 Read more