"Anak, Amy. Hindi muna tayo makakalabas dito. Hahanap lang ako ng tiyempo para makalabas tayo. Kalat na kalat na kasi ang balita na pagdi-divorce niyo ni Lexus. Hindi ko nga alam kung saan ba nanggaling iyon, nakakagulat lang dahil alam ng publiko ang tungkol sa inyong dalawa," Hindi pinansin ni Amethyst ang sinabi ng ina. Pangatlong araw na silang nandito sa Hospital dahil nga sa balitang iyon na hindi naman nila alam kung sino ang nagpakalat. Until now, hindi pa rin maka-move on si Amethyst dahil sa last conversation nila ni Lexus. "Anak, umiiyak ka na naman," napatingin si Amy sa ina niya bago humawak sa pisngi niya. May luha na naman nga siya. Ngumiti lang siya ng pilit. "A-Ayos lang ako, Ma," lumapit naman ang ina niya at niyakap siya. "I know you're not anak," sagot ng ina. Hinaplos nito ang buhok niya. "B-Bakit kasi gano'n Ma, e. Ang... hirap-hirap. Hindi niya man lang ako hinayaang magpaliwanag," nagsimula na namang umiyak si Amethyst. "Shh, tigil na anak. You're crying
Last Updated : 2025-09-22 Read more