"Thank you, Brent," mangiyak-ngiyak na sabi ni Pola, "Kailangan kong makausap si Morris," patuloy niya, kinuha ang cellphone sa bag at sinubukang tawagan ang numero ng binata. Pero nagri-ring lang iyon, walang sumasagot. "Where could he be? He’s not answering his phone." nag-aalalang sabi niya, kanina lang ay nakita niya ang papalayong sasakyan nito. Saan kaya nagpunta ang binata? Dinukot ni Brent ang cellphone sa bulsa nang tumunog iyon. Saglit itong nakatingin sa screen bago tumingin kay Pola. "I think I know where Morris is right now," sabi nito. "Saan? Nasaan siya?" tanong niya. Pinakita ni Brent ang litrato ni Morris na may hawak na wine glass at mikropono. Tumahip ang dibdib niya, kahit sa litrato ay napakaguwapo pa rin nito, partida, hindi pa nakatingin ang binata. "Sinend ni Donnie ito. Naroon sila ngayon sa Han Mall," sabi nito. "Okay, pupuntahan ko siya," sabi ni Pola, determinadong tumango. Tumango rin si Brent. "Come on, let’s go," sabi nito. Maang na tum
Read more