Nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. At ang nakangiting mukha ng aking asawa ang siyang aking unang nakita. Nakangiting nakatunghay sa akin."We're here, fix yourself at bababa na tayo," ani nito. "Alright," sagot ko sabay hikab. Nag-inat bago tuluyang tumayo. "Babe, is there a bathroom here?""Yeah, over there. Maliligo ka ba?""Oo sana, hindi kasi ako komportable 'pag hindi ako nakaligo."Ngumiti ang asawa ko sa'kin at pagdakay, hinagkan ako nito sa noo. "Take your time, babe. Maghihintay ako habang manonood ng telebisyon," saad nito sa akin."Thank you, mabilis lang naman ako, babe," ani ko at mabilis na bumalikwas ng bangon. "Here's the bathrobe," ani Seth sa akin at ibinigay nito iyon, agad kong tinanggap mula rito. At pumasok na ako sa banyo. Mabilis na naligo, mga labinlimang minuto. Lumabas ng banyo at nagbihis. "Nasa paper bag ang ilang damit mo at undies," saad ni Seth sa akin. Nagulat ako. Oo nga pala, wala akong dalang mga gamit. "Laging handa," nakangiting
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-20 อ่านเพิ่มเติม