"Salamat sa suporta," nakangiting tugon ko sa aking asawa. Hindi ko akalain na natapos ko ang kursong nais ko, na siyang pangarap namin noon ng aking ina. Pero aaminin kong hindi na talaga ito ang priority ko, si Seth lang naman ang mapilit. Mas priority ko ang aking mga anak. Sina Zach, at ang kambal na sina Eve at Adam. "Gusto ko lang tuparin ang pangarap mo na siyang sinira ko noon. I am so sorry, babe." "No, hindi mo kailangang humingi ng sorry, babe. Isa pa, kontento na ako sa kung ano'ng estado meron ako, at kasama ko kayo ng mga anak natin. Ngunit sadyang mapilit ka kaya I grab the opportunity," nakangiting sagot ko rito. "And I am so proud of you, once again congratulations, babe!" nakangiting tugon sa akin ng aking asawa at niyakap ako nito ng buong-higpit at hinalikan sa mga labi. Sa edad na 28 pa ako nakapagtapos sa kursong pinangarap ko. Bachelors in Journalism and Communication. And I am so happy dahil hindi ko akalaing ang pangarap na iyon ay matutupad. Kasalukuy
Terakhir Diperbarui : 2025-11-22 Baca selengkapnya