Kabanata 47: Continuation Nilingon ko na si Rev at wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha niya. Napabuntong-hininga lang siya saglit habang mariin ang pagkakatitig kay Veronica. Saka lang niya ako binalingan nang humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay."So, it wasn’t you, huh?" I asked sarcastically.Alam ko, sa pagkakataong ito ay kita na sa mukha ko ang matinding inis. Literal na kumukulo na ang dugo ko. Kaunti na lang talaga ay sasabog na ako."Calm down, girls," singit ng mama ni Rev kaya nabalik ang tingin ko sa kanila ni Veronica. "Maybe this is some kind of misunderstanding."Ako naman ngayon ang napangisi, pero hindi tulad ng kay Veronica kanina, ang akin ay dahil sa wala na akong mapaglalagyan ng inis.Misunderstanding? Hibang ba siya?Iyong condo ko na sinunog ng bruha…May ideya ba sila kung paano ko ‘yon pinaghirapan?Bukod doon, may mga naiwan akong gamit doon! Mga importanteng gamit na kahit sino, hindi kayang bilhin ng pera!Tapos, ano? Sinunog lang ng kung sin
Last Updated : 2025-10-27 Read more