CHAPTER 79 KARINA SIMULA nang magising ako ay pakiramdam ko–may kulang. Alam ko kung ano ang kulang at ‘yun ang baby ko. Masakit pa rin hanggang ngayon. Hindi na rin ako pumunta ng school, hindi na rin pumapasok sa ojt ko. Nandito lang ako sa bahay walang ginagawa. Luther told me na lumabas ako para maglibang, habang nasa trabaho siya, pero hindi ko rin gusto. Nawawalan na ako ng gana, lalo pa’t wala akong maalala. Tinitigan ko nga ang mga litrato namin dito sa bahay na nakasabit sa dingding. Masaya naman kami, mukhang mahal namin ang isa't-isa. Pero parang may puwang sa puso ko na hindi ko mawari kung ano. Pagmamahal ba o kasagutan? Hindi ko alam naguguluhan ako. “Ina, may naghahanap sa inyo, Anak,” tawag ni Nanay Fely,.mula sa labas ng aking kwarto. "Opo, lalabas na po,” sagot ko naman agad kay Nanay Fely. Mabait si Nanay Felicidad, malambing, talkative, maganda ang vibes niya, at may katandaan na rin. "Sige, Ina. Sabihin ko lang na palabas na kayo,” ani Nanay Fely.
Last Updated : 2026-02-17 Read more