KARINA Nagpatuloy kaming kumain hanggang sa mabusog ako. Hindi ko namalayan na nagugustuhan ko na pala ang pagkain. Hindi ko man naubos lahat, at least busog na ako. Inikot ko ang paningin ko at sinuri ang paligid. The lights were dim. Pero bakit kanina, kitang-kita kami ng babaeng nagngangalang Miss Santiago? Or maybe she really just happened to see us? I don’t know why I’m feeling like this. Kinakabahan ako at naiinis ako sa presensya ng babaeng iyon kanina. Or am I just jealous? Baka posible talagang magselos ako kahit hindi ko maalala ang asawa ko—dahil mahal ko siya. Kaya normal lang na makaramdam ng selos. Sabi nga nila, nakalimutan man ng utak, ngunit hindi ng puso “Excuse me, Baba. CR lang ako saglit,” ani ko kay Luther na abala sa cellphone niya. Hindi ko alam kung sino ang kausap niya. “I’ll take you there,” alok niya. “No, thank you. Ako na bahala,” giit ko. “Are you sure?” “Yes.” Tinungo ko na ang CR nang makasalubong ko ang isang staff, kaya nagtanong
Read more