CHAPTER 91 KARINA Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak at pagkain. Hindi ko na rin tinatanggap ang mga ito—tinatapon ko na lang. Sa totoo lang, natatakot na ako. Parang alam na alam ng taong iyon ang bawat galaw ko. Kahit sa gabi, hindi na rin ako mapakali. Isang buwan na ako dito sa bundok. Maliit lang ang komunidad sa lugar na ito, pero maraming bahay—at magaganda pa. May sarili rin itong ospital. Tuwing weekend, pumupunta ako sa isang orphanage. Unti-unti ko nang nakikilala ang mga batang walang magulang, o iyong may mga magulang na nakulong. “Ate Karina!” sigaw ng isang batang babae nang makita ako. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Na-miss ko rin sila. Napakabait ng mga batang ito. Nakakalungkot lang isipin na sa murang edad ay nawalan na sila ng mga magulang—may mga iniwan, at mayroon ding nakulong. “Kumusta na kayo? Na-miss ko kayong lahat,” sabi ko habang nakangiti sa kanila. “Okay naman po, Ate. Na-miss ka r
Read more