KINABUKASAN ay maaga nagising si Karina. Hindi pa gising si Luther kaya hindi na niya ito ginising pa. Bumangon siya at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Kasalukuyan siyang nagsisipilyo ng biglang pumasok si Luther sa banyo. Nang makita siya nito ay nginitian siya at nilapitan. Pumwesto ito sa likuran niya at niyakap patalikod. Nagulat naman si Karina at hindi pa talaga sanay sa mga sweet moments nila ng asawa. "Good morning, my pretty wife," bulong ni Luther sa tainga ni Karina. Nakiliti naman si Karina kaya napahagikgik siya ng tawa at pilit na umiwas. "Nakikiliti ako, Baba," natatawang salita niya ng halikan siya ni Luther sa liig. "Akala ko ay tulog ka pa kaya una na akong bumangon," ani Karina. "Actually, kanina pa ako gising. Hinintay lang kitang magising," sagot naman nito na nakayakap pa rin. “Talaga? Sana ginising mo na lang ako, Baba.” "Nag-enjoy pa kasi akong titigan ka, Love." “Bakit mo naman ako tititigan?" “Kasi hindi nakakasawang tingnan a
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-14 อ่านเพิ่มเติม