GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung
Huling Na-update : 2026-11-09 Magbasa pa