Se connecter
Mula umaga hanggang hapon, nagtatanim si Gwyneth sa kanilang palayan. Hindi para sa sarili niya, kundi para may pantustos siya sa pamilya niya.
Mahirap lamang ang buhay nila. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Namatay ang kanilang ina nang isilang ang kanilang bunsong kapatid na si Gianna. Tanging ang kanilang Itay na lamang ang kasama nila sa buhay. Kahit salat sila sa ibang bagay, mayaman sila sa pagmamahal. Masipag mag-araro ng kalabaw ang kanyang Itay. Marami silang ani ng palay kaya hindi sila nawawalan ng bigas, at malapit sila sa dagat kaya nakakabili sila ng isda sa halagang isang daang piso. Tinitiyak ng kanilang Itay na lahat sila ay nakakapag-aral at nakakakain ng tatlo o higit pang beses sa isang araw. Lahat ng iyon ay biglang naglaho nang bigla na lang nahimatay ang kanyang Itay sa palayan. Doon na rin nalaman ni Gwyneth na may sakit ang ama na matagal na nitong itinago sa kanya. Simula nang maospital ang kanyang Itay, napilitan siyang magtanim at mag-ani mag-isa. Tumigil na rin siya sa pag-aaral para tustusan ang gastusin sa bahay at sa pag-aaral ng dalawa niyang kapatid na nasa elementarya at high school. Siya naman ay nasa ikalawang taon na sana ng kolehiyo. Pero isinantabi niya muna ang kanyang pangarap para sa dalawa niyang kapatid. Hindi sapat ang lahat ng kinita niya sa pinagbentahan ng palay para sa gastusin sa ospital ng kanyang Itay. Napapagod man siya, ayaw niyang sukuan ang kanyang ama. Naniniwala siya na babalik ito sa kanila nang mas malakas pa, kaya lahat ay ginagawa niya para lang gumaling ito. Nang minsan siyang dumalaw sa kanyang Itay, naabutan niya ito na umiiyak. "Itay, kumusta ho kayo dito? Inaalagaan ba kayo nila? Maayos ba ang trato nila sa inyo?" sunod-sunod na tanong ni Gwyneth. Nabusy kasi siya ng ilang araw kaya hindi niya nadalaw ang kanyang Itay. Pero hindi nangangahulugang wala na siyang pakialam dito. "Ayos lang naman ako, anak. Huwag mo akong intindihin. Ikaw, kumusta kayo ng mga kapatid mo? Kumusta ang mga pag-aaral niyo?" tanong ng kanyang Itay. Sa pagkakataong iyon, wala siyang maisagot. Ayaw niyang malaman nito na matagal na siyang tumigil sa pag-aaral dahil tiyak niyang ipipilit na lang nito na huwag na siyang gamutin pa sa ospital. Walang tinapos ang kanyang mga magulang, kaya noon pa lang ay pangarap na ng yumaong Inay niya na makatapos siya ng pag-aaral. "O-Opo, Itay! Kumain na ho kayo ng dala kong tinola. Mainam ito sa inyo at mainit-init pa," pag-iiba niya ng usapan. "Basta anak, huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Alam mo naman, ikaw lang ang makakatulong sa mga kapatid mo kapag nakatapos ka ng kolehiyo. Matanda na ako at wala nang silbi—" Sinaway niya agad ito kaya natigilan ito sa pagsasalita. Ayaw na ayaw niyang sinasabi ito ng kanyang Itay at naririnig niya pa mismo. Para sa kanya, malaki ang nagawa ng Itay niya dahil kung hindi ito nagsakripisyo noon, hindi sana siya lalaking maayos at mabuting tao. "Opo, Itay," pagsisinungaling niya. Sa totoo lang, hindi niya maamin ang totoo. Ayaw niyang lokohin ang Itay niya pero kailangan niya munang itago sa ngayon ang katotohanan. Pansamantala lang naman ito dahil kapag nakaipon siya ng sapat, babalik naman siya sa pag-aaral. Inabot na niya ang tinola at nagsimula nang kumain ang kanyang Itay. Kitang-kita niya kung gaano ito kagana kumain at kasaya. Natapos itong kumain kaya busog na busog ito. Inalalayan niya ito sa pag-ayos ng pagkakaupo. Mamaya lang kasi ay iiwan niya muna ito ulit. Kailangan niyang lumuwas ng bayan para makahanap ng extra work. Hindi na sumasapat ang kita sa palayan. Kailangan niya ng mga raket. "Itay, uwi na ho ako. Mag-iingat ka dito," paalam niya. Gusto sana niya itong yakapin kaso tumanggi ang kanyang ama. Nag-flying kiss at hug na lang siya rito. Buo ang pag-asang umalis ng ospital si Gwyneth. Pagkalabas niya ng ospital, agad siyang sumakay patungong bayan para makipagsapalaran. Sumakay siya ng jeep at nagbayad ng tamang pamasahe lamang. Nakarating siya ng bayan. Una niyang pinuntahan ang tindahan ng mga prutasan pero wala na raw bakante, gayon din sa bigasan, mas lalo na sa karnehan. Sa kakaikot niya, wala man lang siyang nahanap na trabaho. Naupo muna siya sa tabi at nakakaramdam na siya ng gutom. Kinuha niya ang kanyang cellphone na mumurahin lang at tanging call and text lang ang nagagamit niya roon. Matagal na itong nasa kanya dahil iniingatan talaga niya ang regalo ng kanyang Itay noong katorse anyos pa lamang siya. Alam niyang bunga ito ng walang sawang pagsisikap ng kanyang Itay. Sa paggunita niya sa nakaraan, hindi niya napansin ang fliers na lumipad sa mukha niya. Hinawakan niya ito at binasa. *WANTED: KASAMBAHAY* Binasa niya rin kung saan. Nang makita niya na sa Maynila, medyo natakot siya. Pero nang makita niya ang sahod — *50,000* — hindi na rin masama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ang numero na nakalagay sa fliers. May sumagot naman pagkatapos ng sampung minutong pagring. Nakausap niya ang mayordoma ng mansyon at pinapapunta siya bukas na bukas din. Buong akala niya ay kasambahay talaga ang magiging trabaho niya roon kaya tinanggap niya. Alam naman niya na malaking tulong ang sahod niya sa pagpapagamot at gastusin ng kanyang pamilya. Masayang umuwi ng bahay si Gwyneth. Naabutan niya ang kapatid niyang si Guiller at Gianna. Natutuwa siya na lumaking mabuting bata ang kanyang mga kapatid, salat man sila sa karangyaan. Pero pangako niya, sa oras na makasahod siya sa Maynila, lahat ng hindi niya maibigay sa mga ito ay ibubuhos niya. "Nandiyan ka na pala, Ate. Tara, kumain na tayo. Nagluto na ako," yakag ni Guiller. "Sige, salamat. Magpapalit lang ako ng damit," sagot ni Gwyneth. Gusto niya munang i-relax ang kanyang sarili bago niya sabihin sa mga kapatid ang plano niya. Pagkatapos niyang magbihis, bumaba na siya dahil alam niyang kanina pa siya inaantay ng mga kapatid. "Ate, maupo ka na," tawag ni Gianna. Ngumiti lang siya at naglakad sabay upo sa gitna. Maya-maya lang, masarap na tinola ang kanilang pinagsasaluhan ngayon. Kinamusta niya muna ang mga kapatid. "Kumusta ang pag-aaral?" tanong niya kay Guiller na nasa third year high school na. "Okay naman, Ate. Maayos ang lahat ng grades ko," pagyayabang pa nito. "Abay, ayos pala," sagot naman ni Gwyneth. "Oo naman, Ate. Ako pa ba. Ewan ko lang sa isa diyan," segunda nito sabay turo kay Gianna. Alam naman ni Gwyneth na mahina talaga sa pag-aaral ang kanyang bunsong kapatid na babae. "Ate, si Kuya Guiller," sumbong nito sa kanya. "Guiller, sabi ko naman sa'yo. Ikaw ang kuya, hindi ba? At ikaw dapat ang tumulong sa bunso natin kapag nahihirapan siya," sagot ni Gwyneth. "Okay, Ate. Hindi naman 'yan nagsasabi sa akin," giit ni Guiller. "Ayaw mo nga akong tulungan eh, lagi mong sinasabi busy ka. Kaya ako na lang gumawa ng homework ko kahit hindi ko masyadong maintindihan," naiiyak na sambit ni Gianna. "Oh! Siya, hayaan niyo na 'yan. Hindi na dapat pagtalunan pa. Siya nga pala, luluwas ako ng Maynila—" hindi niya natapos ang sasabihin dahil nag-react agad ang dalawa niyang kapatid sa gulat. "Ate, Maynila?" pa-chorus na tanong ng dalawa. "Hindi ba't napakalayo nun, Ate? Paano kami ni Kuya?" tanong agad ni Gianna. "Oo nga, Ate. Paano kami ni Gianna dito? Wala na nga si Inay, tapos may sakit pa si Itay," nangangambang tanong ni Guiller. "Alam ko naman iyon. Papasilip ko kayo kay Tiya Ganda. Kapag may sahod ako, bibilhan ko kayo ng cellphone. Gusto niyo ba nun?" "Opo, Ate. Kahit hindi mamahalin," excited na sagot ni Gianna. "Ikaw? Anong gusto mo, Guiller?" tanong ni Gwyneth nang makita niyang tahimik ito. "Wala akong ibang karangyaan na gusto, Ate. Basta ang tanging gusto ko lang, sama-sama tayo nila Itay," sagot nito. Sa narinig ni Gwyneth, medyo natakot siya at nalungkot. Pero sayang kasi ang oportunidad na dumating sa kanya, kaya kahit ayaw niya mang iwan ang dalawang kapatid, para sa future ng mga ito, lahat ay kaya niyang gawin. "Sige na, tapusin niyo na ang pagkain. Bukas na ang alis ko. Mag-aral kayong mabuti at huwag magpapabaya sa sarili," bilin ni Gwyneth habang nag-aayos ng pinagkainan nila. Wala namang nagawa si Guiller kundi sundin ang gusto ng kanyang Ate. Kahit taliwas ito sa nais ng kanyang puso. Mahirap lang sila pero ayaw naman niyang magwatak-watak sila ng kanyang mga kapatid. Naiwan namang nalulungkot si Gwyneth pero huminga siya ng malalim sabay buga. "Kailangan ko 'tong gawin, para sa pamilya ko," usal niya bago siya tumayo para hugasan ang kanilang pinagkainan.Pagpasok ni Gwyneth, naglakad na siya sa pinakadulo ng lamesa. Yung upuan na para sa CEO lamang. "Good morning," bati ni Gwyneth, kalmado. "Simula ngayon, ako na ang magha-handle ng Del Fuentez Group. Ako ang majority shareholder. Nabili ko na ang shares ni Mommy." Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi pwede! Asawa ako ni Kiefer! Ako ang—" "Asawa ka sa papel," putol ni Gwyneth, nakangiti pero malamig. "Pero ako ang may-ari ng lupa. Ako ang may-ari ng kumpanya. At ako ang ina ng tagapagmana." Tumingin si Gwyneth sa lahat ng empleyado. "At simula ngayon, si Sabrina ay... wala ng opisina dito." Isang gabi, nakita ni Sabrina si Kiefer sa garden. Hindi niya ito nakita ng pitong taon na nakangiti ng ganyan. Nakaupo si Kiefer sa damuhan, naglalaro ng toy car kasama yung batang lalaki. "Daddy, ganito oh! Broomm!" tawa ng bata. At si Kiefer, tumawa rin. Yung totoong tawa. Yung tawa na hindi niya kailanman ibinigay kay Sabrina. Lumapit si Sabrina, nanginginig. "Kiefer, akin k
Tahimik pa rin ang buong hall. Walang humihinga. Si Sabrina, biglang namutla at nawala ang kanyang poise. Yung kamay niya, nanginginig habang nakakapit sa braso ni Kiefer. "K-Kiefer, paalisin mo siya! Security!" sigaw ni Sabrina, pero walang gumagalaw. Lahat nakatingin sa kambal. Yung batang lalaki, tumingala kay Kiefer. Walang takot. "Ikaw ba si Kiefer?" tanong niya, diretso. Napalunok si Kiefer. "Oo... ako..." "Hmm." Tiningnan siya ng bata mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. "Sabi ni Mommy, ikaw daw yung tatay namin. Pero hindi ka mukhang tatay namin, Mister at bakit mukha kang... malungkot." Napaatras si Kiefer. Parang sinaksak siya sa dibdib. Yung batang babae naman, humawak sa gown ni Gwyneth. "Mommy, siya ba yung babaeng gustong magpasunog sa atin dati?" Napatigil ang lahat. Rinig na rinig sa mic. Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi! Sinungaling! Hindi totoo yan!" Pero tumingin si Donya Anastacia kay Sabrina ng matagal at matalim. "Sabrina," wi
Isang buwan pagkatapos malaman ni Donya Anastacia ang lahat, nalaman na rin nila ang totoo. *Buntis si Gwyneth at kambal pa. Isang babae at isang lalaki. Natuwa ito. Natuwa rin si Kiefer. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Kiefer si Gwyneth ng totoong yakap, hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya. Pero si Sabrina... hindi siya natuwa sa kanyang nakikita. Parang unti-unti ng nawawala ang atensyon ni Kiefer na dapat ay para sa kanya. Tila nawa siya sa plano nila, siya ang dapat maging Mommy ng mga bata. Siya ang dapat tawaging Mommy. Pero ngayong buntis si Gwyneth at kinampihan pa ng ginang si Gwyneth, nawala na siya ng tuluyan sa eksena. Isang gabi, habang tulog ang lahat sa Mansyon, nagising si Gwyneth sa amoy ng kakaibang usok. May sunog sa kusina. Maliit pa lang, pero mabilis kumalat. At habang tumatakbo siya palabas, nakita niya si Sabrina sa dulo ng hallway. Nakatayo. Nakatingin. Hawak ang lighter. "Sabrina, anong ginawa mo?!" sigaw ni Gwyneth. "Hindi ka dapat nabuntis,"
GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung
ISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "G
UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang."May apo is coming." excited na wika ng ginang.Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya. Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang. ISANG GABIAlas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa







