Partager

Kabanata 3

Auteur: Bratinela17
last update Date de publication: 2026-11-08 02:12:33

Araw ng kasal ni Kiefer at Gwyneth.

Walang nagawa ang dalawa dahil nangako ang ginang na siya ang gagastos sa gamutan ng ama ni Gwyneth. Habang si Kiefer naman ay natakot na mawalan ng mana ng kanyang ina.

Simple lang sana ang kasal na gusto ni Kiefer dahil ayaw niyang malaman ni Sabrina. Pero ang Mommy niya ay talagang gustong ipangalandakan sa lahat na finally ikakasal na siya. Marami talagang nag-aabang kung sino ang makakatuluyan ni Kiefer dahil ang angkan niya ay nabibilang sa isa sa pinakamayaman sa bansa.

*SA KWARTO NI GWYNETH*

Nakatitig si Gwyneth sa salamin. Nakasuot siya ng puting gown na hindi niya kailanman pinangarap isuot sa ganitong paraan.

"Hija, ang ganda-ganda mo. Para kang prinsesa," sabi ng mayordoma habang inaayos ang belo niya.

Ngunit hindi niya maramdaman ang saya. Nanginginig ang mga kamay niya.

"Panginoon, tama po ba 'tong ginagawa ko? Ikakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at hindi ako mahal. Pero para kay Itay... para sa mga kapatid ko... kakayanin ko."

Naaalala niya ang mukha ng kanyang Itay sa ospital. Naaalala niya ang 50,000 na sahod na akala niya ay para sa pagiging kasambahay. Yun pala, kabayaran ito para maging asawa ni Kiefer.

*SA SIMBAHAN*

Pagpasok ni Gwyneth, lahat ng mata ay nasa kanya. Nagbulungan ang lahat. Hindi kasi siya kilala ng mga ito. Tila bago siya sa paningin ng lahat.

"Sino siya? Hindi ko siya kilala."

"Saang promenanteng pamilya ka siya nang galing?" usisa ng isa pang ginang na may hawak na abanico sa kanyang kamay.

"Hindi ko rin alam. Ngayon ko lang siya nakita. Pero maganda siya. Ang swerte ni Kiefer." segunda ng isa pang ginang.

"Ang swerte naman niya, nakuha niya si Kiefer." dagdag pa ng isa pang babae na hindi naman katandaan ang edad kumpara sa kanya.

Ngunit pagtingin niya sa altar, hindi swerte ang nakita niya. Nakita niya si Kiefer na nakatayo, nakapamulsa, at hindi man lang tumitingin sa kanya. Galit. Malamig. Parang pinilit lang talaga.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal sa panimula ni Fr. Simeon.

"Gwyneth Carreon, tinatanggap mo ba si Kiefer Del Fuentez bilang iyong asawa, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang sa kamatayan ang maghiwalay sa inyo?" tanong ng pari.

Napalunok si Gwyneth. Tumingin siya kay Donya Anastacia na nasa unang upuan, nakangiti at tumatango.

"Opo... tinatanggap ko po," mahina niyang sagot. Hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa pangako para sa kanyang Itay.

"Kiefer Del Fuentez, tinatanggap mo ba si Gwyneth Carreon bilang iyong asawa?"

Matagal na katahimikan. Halos hindi huminga ang lahat.

Tumingin si Kiefer sa Mommy niya. Nakita niya ang pagbabanta sa mga mata nito. Mana o kasal.

"I... do," sagot niya, walang emosyon. Walang pagtingin kay Gwyneth.

Matapos ang mabilisang exchange of vows ng dalawa. Sinundan ng pari nang katagang sinasambit bago matapos ang seremonyas.

"Sa bisa ng kapangyarihang iginawad sa akin ng ating Panginoon. Ngayon kayo Kiefer at Gwyneth ay binabasbasan ko bilang mag-asawa na. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen. Ngayon maari mo ng hagkan ang iyong asawa.

Tumingin lang si Kiefer at napapikit naman si Gwyneth. Pero imbes sa labi ang bagsak ng labi nito sa kanyang noo. Nagulat man pero napangiti na lang rin siya.

Humarap silang lahat sa mga bisitang nakasaksi ng kanilang kasal.

"I prepared the kiss on my honeymoon." nakangising wika ni Kiefer.

Ang lahat ay nagtawanan sa kalokohan sinambit nito. Napalunok naman so Gwyneth ng marinig ito.

Nagpalakpakan ang lahat. Lumapit si Donya Anastacia at niyakap silang dalawa.

"Finally! Mrs. Del Fuentez ka na, hija!" masayang sambit nito.

Ngunit nang sila na lang dalawa ni Kiefer sa kotse pauwi ng mansyon, biglang nagbago ang hangin.

"Kiefer..." tawag ni Gwyneth.

"Huwag kang mag-expect ng kahit ano sa akin, Gwyneth," malamig na putol ni Kiefer, hindi man lang siya nilingon. "Kinasal tayo dahil sa kagustuhan ni Mommy. Dahil sa mana ko. Dahil sa pera na kailangan mo. Pero huwag kang magkakamali, hindi kita asawa. Sa papel lang tayo kasal." sumbat nito.

Naramdaman ni Gwyneth na parang may sumaksak sa dibdib niya. Pero pinigilan niya ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya.

"Opo. Naiintindihan ko po," sagot niya. "Hindi rin po ako nag-e-expect. Isang taon lang naman daw, di ba? Pagkatapos nun, malaya ka na." proud na sagot niya.

Tumingin si Kiefer sa kanya sa unang pagkakataon. At sa unang pagkakataon, nakita nito — hindi siya iyong iniisip niya na babaeng mukhang mukhang pera. Nakita niya mismo nasasaktan ito.

At doon siya unang nainis sa sarili niya. Bakit siya naaawa?

"Hindi. Hindi ako dapat maawa. Si Sabrina ang mahal ko." usal niya.

Pero sa gabing iyon, habang magkatabi silang matulog na may unan sa gitna, hindi makatulog si Kiefer. At si Gwyneth, tahimik na umiiyak habang nakatalikod.

"Isang taon lang. Isang taon lang ako magtitiis." usal ni Gwyneth bago siya gupuin ng antok at pagod.

Kinabukasan. Nagising siya na wala sa tabi niya ang asawa.

"Rise and shine." usal niya. Nag unat-unat muna siya bago umupo.

Nakita niya ang notebook sa table. Kinuha niya ito at naisipan niyang magsulat.

(Day 1 as Mrs. Del Fuentez sa papel lang)

Nagsimula siyang magsulat. Marami siyang naisulat hanggang sa bigla siyang napaluha. Namiss na niya ang mga kapatid. Pero kakayanin niya ito dahil isang taon lang naman. Pagkatapos nitong sakripisyo niya ay uuwi siya ng probinsya na maraming pera. Ayon na lamang ang iniisip niya para hindi na siya masaktan pa.

Pag labas niya ng kwarto. Itinago niya agad ang note book sa loob ng drawer.

Pag dating niya ng sala. May naulinigan siyang boses. Isang boses babae at sure siyang boses ni Kiefer iyon.

Nagulat siya ng marinig niya ang pangalan niya na sinambit ni Kiefer.

"Hindi ko mahal si Gwyneth."

Yan lang ang tanging narinig niya. Hindi niya alam kung bakit biglang nanakit ang dibdib niya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Ano ka ba Gwyneth, masanay ka na lang. Hindi naman ito ang unang beses na naging cold siya sayo. Doon pa lang kita naman na hindi ka niya mamahalin." usal niya sabay hingang malalim.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 9

    Pagpasok ni Gwyneth, naglakad na siya sa pinakadulo ng lamesa. Yung upuan na para sa CEO lamang. "Good morning," bati ni Gwyneth, kalmado. "Simula ngayon, ako na ang magha-handle ng Del Fuentez Group. Ako ang majority shareholder. Nabili ko na ang shares ni Mommy." Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi pwede! Asawa ako ni Kiefer! Ako ang—" "Asawa ka sa papel," putol ni Gwyneth, nakangiti pero malamig. "Pero ako ang may-ari ng lupa. Ako ang may-ari ng kumpanya. At ako ang ina ng tagapagmana." Tumingin si Gwyneth sa lahat ng empleyado. "At simula ngayon, si Sabrina ay... wala ng opisina dito." Isang gabi, nakita ni Sabrina si Kiefer sa garden. Hindi niya ito nakita ng pitong taon na nakangiti ng ganyan. Nakaupo si Kiefer sa damuhan, naglalaro ng toy car kasama yung batang lalaki. "Daddy, ganito oh! Broomm!" tawa ng bata. At si Kiefer, tumawa rin. Yung totoong tawa. Yung tawa na hindi niya kailanman ibinigay kay Sabrina. Lumapit si Sabrina, nanginginig. "Kiefer, akin k

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 8

    Tahimik pa rin ang buong hall. Walang humihinga. Si Sabrina, biglang namutla at nawala ang kanyang poise. Yung kamay niya, nanginginig habang nakakapit sa braso ni Kiefer. "K-Kiefer, paalisin mo siya! Security!" sigaw ni Sabrina, pero walang gumagalaw. Lahat nakatingin sa kambal. Yung batang lalaki, tumingala kay Kiefer. Walang takot. "Ikaw ba si Kiefer?" tanong niya, diretso. Napalunok si Kiefer. "Oo... ako..." "Hmm." Tiningnan siya ng bata mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. "Sabi ni Mommy, ikaw daw yung tatay namin. Pero hindi ka mukhang tatay namin, Mister at bakit mukha kang... malungkot." Napaatras si Kiefer. Parang sinaksak siya sa dibdib. Yung batang babae naman, humawak sa gown ni Gwyneth. "Mommy, siya ba yung babaeng gustong magpasunog sa atin dati?" Napatigil ang lahat. Rinig na rinig sa mic. Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi! Sinungaling! Hindi totoo yan!" Pero tumingin si Donya Anastacia kay Sabrina ng matagal at matalim. "Sabrina," wi

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 7

    Isang buwan pagkatapos malaman ni Donya Anastacia ang lahat, nalaman na rin nila ang totoo. *Buntis si Gwyneth at kambal pa. Isang babae at isang lalaki. Natuwa ito. Natuwa rin si Kiefer. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Kiefer si Gwyneth ng totoong yakap, hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya. Pero si Sabrina... hindi siya natuwa sa kanyang nakikita. Parang unti-unti ng nawawala ang atensyon ni Kiefer na dapat ay para sa kanya. Tila nawa siya sa plano nila, siya ang dapat maging Mommy ng mga bata. Siya ang dapat tawaging Mommy. Pero ngayong buntis si Gwyneth at kinampihan pa ng ginang si Gwyneth, nawala na siya ng tuluyan sa eksena. Isang gabi, habang tulog ang lahat sa Mansyon, nagising si Gwyneth sa amoy ng kakaibang usok. May sunog sa kusina. Maliit pa lang, pero mabilis kumalat. At habang tumatakbo siya palabas, nakita niya si Sabrina sa dulo ng hallway. Nakatayo. Nakatingin. Hawak ang lighter. "Sabrina, anong ginawa mo?!" sigaw ni Gwyneth. "Hindi ka dapat nabuntis,"

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 6

    GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 5

    ISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "G

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 4

    UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang."May apo is coming." excited na wika ng ginang.Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya. Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang. ISANG GABIAlas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status