Se connecterMaagang umalis si Gwyneth ng kanilang tahanan sa probinsya. Hinalikan niya lang ang nahihimbing na natutulog na mga kapatid bago niya tuluyang nilisan ang kanilang probinsya na mabigat ang loob.
Nakarating siya ng bayan at sinunod niya ang instruction na binigay sa kanya ng kanyang nakausap sa phone. Dalangin niya na sana hindi siya ma-scam ng taong iyon. Nagbayad muna siya ng ticket para sa kanyang pamasahe sa cashier. Pagkatapos ay bumalik siya sa upuan para makaupo habang naghihintay. Ilang minuto lang din naman ay dumating ang bus at pinasakay na sila ng konduktor. Pag-apak ng mga paa niya sa loob ng bus, baon niya ang pag-asang magiging maayos na ang kanilang buhay pagdating niya ng Maynila. Habang sa pamilya ng mga Del Fuentez, nagtatalo ang mag-ina. Si Donya Anastacia at si Kiefer, nang malaman nito ang pinaggagawa ng kanyang Mommy sa buhay niya. The last time, pina-set-up siya ng mga date sa iba't ibang babae nang hindi niya alam. Noong una ay hinahayaan niya ito, pero nang malaman niya ang gusto ngayon, mariin siyang tumanggi. "Mom, ano na naman 'tong kabaliwan mo na nalaman ko?? Seriously, Mom, gusto mo akong ipakasal sa babaeng hindi ko man lang nakita kahit isang beses," galit na galit na wika ni Kiefer nang dumating siya sa mansyon galing sa biyahe. "Kung hindi ka titigil sa kakapunta diyan sa babaeng 'yan. Anak, trenta ka na at wala pa akong apo sa'yo. Anong plano mo sa buhay mo? Maging aso ng babae na 'yan? Halata naman na sarili lang niya ang iniisip. Ikaw, napapabayaan mo na 'tong kumpanya," bulyaw ng kanyang Mommy. Hindi na rin niya ito minsan maintindihan. Pero dahil nanay niya ito, sinusunod na lang niya para lang hindi sila magtalo pa. "Babae? Mom, fiancee ko si Sabrina. At nagmo-model siya. Kailangan ko siyang suportahan. Sana naiintindihan niyo rin na hindi pa siya handang magkaanak at masisira ang figure niya—" hindi na pinatapos pa ng Donya ang sasabihin ng kanyang anak. Wala rin naman kasing mangyayari. "Enough. This is final. Magpapakasal ka pagdating ni Gwyneth. Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, ngayon pa lang tatanggalan na kita ng mana, Kiefer Del Fuentez," banta ng kanyang Mommy bago tuluyan siyang layasan. "Mom," tawag niya rito pero hindi man lang siya pinansin ng kanyang ina at nagpatuloy ito sa paglalakad. "Tsk! Tss!" usal niya sa labis na inis na nararamdaman. Naiinis siya sa pakikialam ng kanyang Mommy. Pero hindi rin naman niya ito matiis. Samantalang nakaalis na ng bus ang sinakyan ni Gwyneth. Natulog muna siya dahil sabi ng konduktor, malayo pa ang Maynila. Madaling araw siyang umalis ng kanilang bahay dahil ayaw niyang magpaumaga at makita siya ng kanyang mga kapatid. Mas mahihirapan kasi siyang magpaalam. Naidlip siya at sinabihan niya ang konduktor na gisingin kapag nasa Maynila na siya. Makalipas ang limang oras, naalimpungatan siya na may tumatapik ng kanyang braso. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, bumungad sa kanya ang mukha ng konduktor. "Neng, Pasay terminal na tayo. Saan ba ang punta mo?" tanong ng konduktor. "Salamat, Boss. Sa Maynila ho," mabilis niyang sagot. "Neng, saan ba sa Maynila? Malawak ang lugar na iyon. Pasundo ka na lang kung may susundo sa'yo," sagot nito. Naalala ni Gwyneth ang numero. Kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ito bago siya bumaba ng bus. Sa totoo lang, natatakot siyang bumaba dahil hindi niya kabisado ang Maynila. Nang sumagot ang mayordoma ng mga Del Fuentez at sinabi nitong maghintay siya sa bus terminal at may susundo sa kanya, natuwa siya kaya bumaba na rin siya at nagpasalamat sa konduktor. Habang nakaupo siya sa mahabang upuan, bigla namang may magarang sasakyan na pang-mayaman ang dumating. Bumaba dito ang isang babae. Maganda ang postura at kita naman na mayaman. Kahit na may edad ito ay hindi pa rin halata dahil makinis ang mukha nito pati ang kutis. "You must be, Gwyneth?" tanong ng ginang. Tumango siya sabay lapit bitbit ang kanyang bayong. Ganoon talaga kasi ang lagayan ng kanilang damit sa probinsya kapag aalis. "Okay, pumasok ka sa kotse," utos ng matanda. Hindi na siya nagtanong pa at sumunod na lamang siya. Nang sumakay siya sa magarang sasakyan, mabilis na umandar ito. Kung ano man ang magiging kapalaran niya sa kamay ng matanda ay hindi niya rin alam. Tahimik lang ito at hindi man lang nagsasalita. Maging siya ay nahiya. Sa ayos ng ginang, malamang mayaman ang pamilya nito. Pumasok ang sasakyan sa isang malaking lupain. Halos malula siya sa lawak nito. Tumigil naman ang sasakyan sa napakalaking bahay. Hindi nga bahay, parang buong lugar na nila ito sa probinsya. Na-excite siya dahil araw-araw dito siya titira. Naunang bumaba ang ginang at sumunod siya. "Welcome to my house and soon this is all be yours, hija," excited na wika ng ginang. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Medyo naguguluhan siya kaya hindi na lang niya masyadong inintindi pa. Ang mahalaga, mabait ang magiging amo niya. "Have a seat," yakag nito. Medyo kabado pa nga si Gwyneth na maupo at baka madumihan niya ang maputing sapin ng malawak na upuan. "Hindi na ho, Ma'am. Sa lapag na lang po ako. Hindi ho ako nababagay diyan," sagot niya at nang tatangkain niyang umupo, maagap na nahawakan ng ginang ang kamay niya. Hinila siya nito paupo. Wala na siyang nagawa. "Hija, you don't need to do that. Soon, you'll be Mrs. Del Fuentez," excited na ibinalita ng matanda. "Ho? Ano ho? Medyo hindi ko kayo naiintindihan," sagot ni Gwyneth. Hindi niya alam kung may sayad ba ang matandang kausap niya ngayon. "Wait, hija. I will call my son. I'm sure he likes you. Para mapaghandaan na rin natin ang kasal niyo," dagdag pa nito. Mas lalo siyang naguluhan. "Kasal ho? Sino ho ang ikakasal?" tanong niya. Pero bago pa siya sagutin ng ginang, nagulat siya sa pagdating ng isang panauhin. Napanganga siya sa kakisigan ng lalaking panauhin. Parang tumibok bigla ang natutulog niyang puso. Bigla siyang namula kaya napayuko siya. "Son, mabuti naman nandito ka. Tara, ipapakilala kita sa mapapangasawa mo," ani ng Mommy ni Kiefer. "Mom, hindi ka pa ba titigil sa—" Natigilan si Kiefer nang masilayan si Gwyneth. "Who's this pretty girl?" tanong niya. "See, son. Sabi na eh, magugustuhan mo siya. Well, she is Gwyneth. Your future wife," tahasang wika ng ginang. Doon na napatayo si Gwyneth sa tinuran ng ginang. Hindi naman ito ang trabahong pinunta niya. Hindi kaya nabudol siya. "Wait lang po, Ma'am. Trabaho po bilang kasambahay ang pinunta ko dito. Nagkakamali yata kayo ng nasundo," giit ni Gwyneth. Kahit gwapo ang lalaki, hindi ibig sabihin magpapakasal na siya rito. Hindi naman basta-basta ang kasal, sagrado ito at para lang sa dalawang taong nagmamahalan. "Kasambahay? Hija, sinong nagsabi sa'yo?" tanong ng ginang. Nilabas niya ang fliers na hawak niya na tinago-tago pa niya. "Heto ho," sagot niya sabay abot sa ginang. "Hija, sorry. Kung sino man ang nakausap mo ay hindi totoo iyon. Well, in fact, I hired you to be my daughter-in-law. Since nandito ka na, tara at isukat mo na ang wedding gown mo," excited ulit ng ginang. Hinila nito ang kamay niya. Kaya wala siyang nagawa kundi sumama. Lito at hilo man sa nangyayari. Naiwan naman si Kiefer na tulala. Ang ganda naman kasi ni Gwyneth at ang sexy pa. Hindi halatang probinsyana. "Urgh!" inis niya nang tayuan siya at wala siyang magawa kundi paligayahin muna ang kanyang sarili dahil wala si Sabrina rito. Sa totoo lang, gusto na niyang makasama si Sabrina pero nirerespeto niya ang gusto nito. Pumasok siya ng kanyang kwarto pagkaakyat ng hagdanan at padabog na isinara ang p***o. Doon niya lang nailabas ang lahat ng inis niya sa Mommy niya — sa pagpipilit sa kanya sa isang kasal na hindi niya ginusto.Pagpasok ni Gwyneth, naglakad na siya sa pinakadulo ng lamesa. Yung upuan na para sa CEO lamang. "Good morning," bati ni Gwyneth, kalmado. "Simula ngayon, ako na ang magha-handle ng Del Fuentez Group. Ako ang majority shareholder. Nabili ko na ang shares ni Mommy." Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi pwede! Asawa ako ni Kiefer! Ako ang—" "Asawa ka sa papel," putol ni Gwyneth, nakangiti pero malamig. "Pero ako ang may-ari ng lupa. Ako ang may-ari ng kumpanya. At ako ang ina ng tagapagmana." Tumingin si Gwyneth sa lahat ng empleyado. "At simula ngayon, si Sabrina ay... wala ng opisina dito." Isang gabi, nakita ni Sabrina si Kiefer sa garden. Hindi niya ito nakita ng pitong taon na nakangiti ng ganyan. Nakaupo si Kiefer sa damuhan, naglalaro ng toy car kasama yung batang lalaki. "Daddy, ganito oh! Broomm!" tawa ng bata. At si Kiefer, tumawa rin. Yung totoong tawa. Yung tawa na hindi niya kailanman ibinigay kay Sabrina. Lumapit si Sabrina, nanginginig. "Kiefer, akin k
Tahimik pa rin ang buong hall. Walang humihinga. Si Sabrina, biglang namutla at nawala ang kanyang poise. Yung kamay niya, nanginginig habang nakakapit sa braso ni Kiefer. "K-Kiefer, paalisin mo siya! Security!" sigaw ni Sabrina, pero walang gumagalaw. Lahat nakatingin sa kambal. Yung batang lalaki, tumingala kay Kiefer. Walang takot. "Ikaw ba si Kiefer?" tanong niya, diretso. Napalunok si Kiefer. "Oo... ako..." "Hmm." Tiningnan siya ng bata mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. "Sabi ni Mommy, ikaw daw yung tatay namin. Pero hindi ka mukhang tatay namin, Mister at bakit mukha kang... malungkot." Napaatras si Kiefer. Parang sinaksak siya sa dibdib. Yung batang babae naman, humawak sa gown ni Gwyneth. "Mommy, siya ba yung babaeng gustong magpasunog sa atin dati?" Napatigil ang lahat. Rinig na rinig sa mic. Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi! Sinungaling! Hindi totoo yan!" Pero tumingin si Donya Anastacia kay Sabrina ng matagal at matalim. "Sabrina," wi
Isang buwan pagkatapos malaman ni Donya Anastacia ang lahat, nalaman na rin nila ang totoo. *Buntis si Gwyneth at kambal pa. Isang babae at isang lalaki. Natuwa ito. Natuwa rin si Kiefer. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Kiefer si Gwyneth ng totoong yakap, hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya. Pero si Sabrina... hindi siya natuwa sa kanyang nakikita. Parang unti-unti ng nawawala ang atensyon ni Kiefer na dapat ay para sa kanya. Tila nawa siya sa plano nila, siya ang dapat maging Mommy ng mga bata. Siya ang dapat tawaging Mommy. Pero ngayong buntis si Gwyneth at kinampihan pa ng ginang si Gwyneth, nawala na siya ng tuluyan sa eksena. Isang gabi, habang tulog ang lahat sa Mansyon, nagising si Gwyneth sa amoy ng kakaibang usok. May sunog sa kusina. Maliit pa lang, pero mabilis kumalat. At habang tumatakbo siya palabas, nakita niya si Sabrina sa dulo ng hallway. Nakatayo. Nakatingin. Hawak ang lighter. "Sabrina, anong ginawa mo?!" sigaw ni Gwyneth. "Hindi ka dapat nabuntis,"
GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung
ISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "G
UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang."May apo is coming." excited na wika ng ginang.Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya. Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang. ISANG GABIAlas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa







