Partager

Kabanata 4

Auteur: Bratinela17
last update Date de publication: 2026-11-08 19:49:16

UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang.

"May apo is coming." excited na wika ng ginang.

Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya.

Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.

Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.

Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.

Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang.

ISANG GABI

Alas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa hallway.

Si Kiefer. Umuwi na. Pero hindi ito pumasok sa kwarto nito. Dumiretso ito agad sa balcony.

At doon niya narinig lahat..

"Sabrina, sorry na. Kanina pa ako gustong tumawag, may meeting lang," mahinang wika ni Kiefer. Malambing. Ibang-iba sa boses na ginagamit nito sa kanya.

Napahinto si Gwyneth. Hindi niya sinasadyang makinig, pero hindi rin siya makaalis. Parang may dumagan sa dibdib niya.

"Oo, alam ko. Miss na rin kita," dagdag pa ni Kiefer.

"Bukas, magkikita tayo. Sa dati nating lugar lang. Huwag ka mag-alala, hindi niya malalaman."

Hindi niya malalaman. Siya yung tinutukoy.

Napaatras si Gwyneth. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya at isinara ang p***o. Doon lang siya huminga.

May iba siyang mahal. May Sabrina.

Hindi niya alam kung bakit ang sakit. Hindi naman niya mahal si Kiefer, di ba? Hindi naman siya nag-expect. Pero bakit parang may humihigpit sa dibdib niya?

Natulog siya na masama ang loob.

Kinabukasan.

Kagaya ng dati, maagang nagising si Gwyneth para magluto siya ng almusal na kanila sanang pag sasaluhan.

Pagbaba ni Kiefer, naka-ayos na ito. Naka-polo, mabango, naka-ayos ang buhok. Hindi pang-office. Halatang may ka date.

"Kakain ka ba?" tanong ni Gwyneth, pilit na normal ang boses.

"Hindi. May lakad ako," sagot ni Kiefer, hindi man lang tumingin sa kanya.

"Ah, sige. Mag-ingat ka na lang." saad ni Gwyneth.

Tumango lang si Kiefer at umalis. Hindi niya alam na nakatingin si Gwyneth sa kanya mula sa bintana, habang sumasakay ito sa kotse nito, nakangiti habang may ka-text.

"Sino kaya si Sabrina?" tanong ni Gwyneth sa sarili niya. Masaya kaya siya sa babae? Maganda kaya siya?" mga tanong sa isip niya na hindi niya masagot sagot.

Tumingin si Gwyneth sa salamin. Simpleng duster, walang make-up, buhok na nakapusod lang.

Kaya siguro hindi niya ako magustuhan.

Umupo siya sa lamesa. Mag-isa niyang kinain ang niluto niya. Malamig na.

Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Maynila, na-miss niya ng sobra ang probinsya. Na-miss niya si Guiller. Si Gianna. Si Itay.

Kinuha niya ang phone niya at nag-type:

"Kamusta kayo diyan? Kumain na ba kayo?"

Hindi niya sinend. Binura niya agad. Ayaw niyang mag-alala ang mga kapatid sa kanya.

"Hindi ko sila pwedeng alalahanin. Kailangan kong magpakatatag. Isang taon lang naman ito." usal niya.

Pero sa gabing iyon, habang nakahiga siya sa guest room, narinig niya na naman ang boses ni Kiefer sa kabilang kwarto. Tumatawa. Malambing.

At si Gwyneth, nakapikit lang, pinipigilan ang luha.

"Hindi ko pa nakikita si Sabrina. Pero bakit parang talo na ako nito." anas niya.

Mahirap naman talaga kalabanin ang babaeng mahal ng kanyang asawa.

"Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat. Hindi kita mahal. Pinakasalan lang kita dahil gusto ni Mommy "

Pilit uumuukil sa kanyang utak ang mga katagang binitiwan ni Kiefer sa kanya.

Natulog siya ng taimtim.

Kinabukasan, hindi na nag abalang gumising ng maaga si Gwyneth at hindi na rin siya nagluto para sa asawa.

Hindi dahil tinatamad siya. Kundi dahil pagod na siyang magluto para sa taong hindi man lang tikman ang pagkaint pinaghahandaan niyang lutuin..

Nagkape lang siya. Tahimik. Nakaupo sa harap ng bintana, pinapanood ang Maynila na unti-unting nagbubukas ang bawat establisyemento na tanaw sa itaas ng kanyang kwarto.

Alas-siyete na. Wala pa rin si Kiefer.

Hindi ito umuwi kagabi.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang mag-alala o masanay na lang. Asawa niya ito sa papel, pero sa totoo lang, para siyang estranghera sa sarili nilang bahay.

"Isang taon lang. Isang taon lang, Gwyneth." ulit niya sa sarili niya.

Pero habang tumatagal, parang mas humahaba yung isang taon na yun.

SA KABILANG PANIG NG LUNGSOD

Sa isang tahimik na café sa Maynula, nakaupo si Kiefer sa tapat ni Sabrina. Umuwi ito pagkatapos ng fashion show.

Maganda si Sabrina. Maayos manamit. Maarte kumilos. Yung tipo ng babae na sanay na nakukuha lahat ng gusto niya.

"Kiefer, kailan mo ba siya iiwan?" tanong ni Sabrina, habang hinahalo ang kape niya. "Hindi ko kayang habang buhay akong itatago lang." tanong nito. At medyo nagpapalambing kay Kiefer.

Napabuntong-hininga si Kiefer. "Sabrina, sinabi ko na sayo. Isang taon lang naman ang hinihiling ko sayo. Pagkatapos ng isang taon, tapos na yung kasal na napagkasunduan. Babalik rin naman ako sayo." ani ni Kiefer para hindi na magdamdam ang kanyang mahal.

"Isang taon?" Tumawa si Sabrina, pero hindi siya masaya. "Kiefer, isang linggo pa lang kayo nagsasama, hindi mo na ako halos matawagan. Paano pa kung isang taon ang lumipas?"

Hindi sumagot si Kiefer.

Kasi sa totoo lang, hindi rin niya alam.

Hindi niya sinabi kay Sabrina na kagabi, habang kausap niya ito sa telepono, narinig niya ang mahinang paghikbi mula sa kabilang kwarto.

Hindi niya sinabi na kaninang umaga, bago siya umalis, nakita niya ang almusal na niluto ni Gwyneth. Malamig na. Pero may nakalagay na maliit na note sa ilalim ng plato:

(Kumain ka muna bago ka umalis.)

Hindi niya kinain ang inihain ni Gwyneth.. Pero hindi niya rin tinapon ang note nito.. Nasa bulsa pa rin niya hanggang ngayon.

Alas-diyes na ng gabi nang umuwi si Kiefer.

Madilim ang bahay. Walang amoy ng niluto. Walang Gwyneth na naghihintay sa sala.

Kakaiba. Naninibago siya.

"Gwyneth?" tawag niya.

Walang sumagot.

Umakyat siya. Binuksan niya ang guest room. Walang tao. Maayos ang kama. Walang gamit na nakakalat.

Kinabahan siya. Hindi niya alam kung bakit.

Bumaba siya ulit. At doon niya nakita — nasa garden si Gwyneth. Nakaupo sa swing. Naka-pajama. Hawak ang isang mug. Nakatingin sa buwan.

Hindi ito umiiyak. Nakangiti pa nga. Pero yung ngiti na parang pagod na.

"Akala ko umalis ka na," sabi ni Kiefer, hindi niya alam kung bakit yun ang nasabi niya.

Tumingin si Gwyneth sa kanya. Kalma. Walang galit. Walang tampo. At yun ang mas masakit.

"Bakit naman ako aalis? Dito yung bahay ko, di ba?" sagot ni Gwyneth. "Ikaw, bakit ka umuwi? Akala ko kay Sabrina ka matutulog."

Natigilan si Kiefer.

"Alam mo?" tanong niya, mahina.

"Rinig ko kagabi. Sa balcony," diretsong sagot ni Gwyneth. "Hindi ako nakinig sadya. Narinig ko lang."

Tahimik lang na nakikinig si Kiefer.

"Kiefer, hindi ako magagalit," dagdag ni Gwyneth, tumayo na siya. "Alam ko naman simula pa lang na hindi mo ako mahal. Pinakasalan mo lang ako dahil kay Mommy. Kaya okay lang. Gawin mo gusto mo. Huwag mo lang akong gawing tanga."

Tatalikod na sana siya nang biglang —

"Gwyneth."

Napahinto siya.

"Hindi ka ba kahit konting... nagseselos?" tanong ni Kiefer.

Lumingon si Gwyneth. Ngumiti siya, pero basag yung ngiti niya.

"Ano bang karapatan kong magselos? Asawa mo lang ako sa papel. Siya yung mahal mo. Ako..." huminga siya ng malalim. "Ako yung... obligasyon mo lang."

At sa unang pagkakataon, hindi nakasagot si Kiefer Del Fuentez.

Hindi niya alam kung bakit, pero yung salitang obligasyon parang sinampal siya.

Pumasok si Gwyneth sa loob. Iniwan si Kiefer mag-isa sa garden.

At si Kiefer, nakatayo lang doon. Hawak pa rin ang note sa bulsa niya.

Sa unang pagkakataon sa loob ng isang linggo, nakaramdam siya ng guilty sa pagtrato niya ng hindi maganda kay Gwyneth.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 9

    Pagpasok ni Gwyneth, naglakad na siya sa pinakadulo ng lamesa. Yung upuan na para sa CEO lamang. "Good morning," bati ni Gwyneth, kalmado. "Simula ngayon, ako na ang magha-handle ng Del Fuentez Group. Ako ang majority shareholder. Nabili ko na ang shares ni Mommy." Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi pwede! Asawa ako ni Kiefer! Ako ang—" "Asawa ka sa papel," putol ni Gwyneth, nakangiti pero malamig. "Pero ako ang may-ari ng lupa. Ako ang may-ari ng kumpanya. At ako ang ina ng tagapagmana." Tumingin si Gwyneth sa lahat ng empleyado. "At simula ngayon, si Sabrina ay... wala ng opisina dito." Isang gabi, nakita ni Sabrina si Kiefer sa garden. Hindi niya ito nakita ng pitong taon na nakangiti ng ganyan. Nakaupo si Kiefer sa damuhan, naglalaro ng toy car kasama yung batang lalaki. "Daddy, ganito oh! Broomm!" tawa ng bata. At si Kiefer, tumawa rin. Yung totoong tawa. Yung tawa na hindi niya kailanman ibinigay kay Sabrina. Lumapit si Sabrina, nanginginig. "Kiefer, akin k

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 8

    Tahimik pa rin ang buong hall. Walang humihinga. Si Sabrina, biglang namutla at nawala ang kanyang poise. Yung kamay niya, nanginginig habang nakakapit sa braso ni Kiefer. "K-Kiefer, paalisin mo siya! Security!" sigaw ni Sabrina, pero walang gumagalaw. Lahat nakatingin sa kambal. Yung batang lalaki, tumingala kay Kiefer. Walang takot. "Ikaw ba si Kiefer?" tanong niya, diretso. Napalunok si Kiefer. "Oo... ako..." "Hmm." Tiningnan siya ng bata mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. "Sabi ni Mommy, ikaw daw yung tatay namin. Pero hindi ka mukhang tatay namin, Mister at bakit mukha kang... malungkot." Napaatras si Kiefer. Parang sinaksak siya sa dibdib. Yung batang babae naman, humawak sa gown ni Gwyneth. "Mommy, siya ba yung babaeng gustong magpasunog sa atin dati?" Napatigil ang lahat. Rinig na rinig sa mic. Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi! Sinungaling! Hindi totoo yan!" Pero tumingin si Donya Anastacia kay Sabrina ng matagal at matalim. "Sabrina," wi

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 7

    Isang buwan pagkatapos malaman ni Donya Anastacia ang lahat, nalaman na rin nila ang totoo. *Buntis si Gwyneth at kambal pa. Isang babae at isang lalaki. Natuwa ito. Natuwa rin si Kiefer. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Kiefer si Gwyneth ng totoong yakap, hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya. Pero si Sabrina... hindi siya natuwa sa kanyang nakikita. Parang unti-unti ng nawawala ang atensyon ni Kiefer na dapat ay para sa kanya. Tila nawa siya sa plano nila, siya ang dapat maging Mommy ng mga bata. Siya ang dapat tawaging Mommy. Pero ngayong buntis si Gwyneth at kinampihan pa ng ginang si Gwyneth, nawala na siya ng tuluyan sa eksena. Isang gabi, habang tulog ang lahat sa Mansyon, nagising si Gwyneth sa amoy ng kakaibang usok. May sunog sa kusina. Maliit pa lang, pero mabilis kumalat. At habang tumatakbo siya palabas, nakita niya si Sabrina sa dulo ng hallway. Nakatayo. Nakatingin. Hawak ang lighter. "Sabrina, anong ginawa mo?!" sigaw ni Gwyneth. "Hindi ka dapat nabuntis,"

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 6

    GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 5

    ISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "G

  • The Surrogate Ex- Wife   Kabanata 4

    UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang."May apo is coming." excited na wika ng ginang.Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya. Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang. ISANG GABIAlas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status