Se connecterISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA
Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "Gwyneth, hindi mo ba nakikita? Hindi ka niya mahal. Ako yung mahal niya. Simula pa lang, ako na." Gusto umiyak ni Gwyneth. Pero hindi siya umiyak sa harap ni Sabrina. Hindi niya ibibigay yung satisfaction na yun. "Kiefer," mahinang sabi ni Gwyneth, "Totoo ba?" Tahimik si Kiefer. Ang tagal bago siya sumagot. At yung katahimikan na yun, yun na yung sagot. "Gwyneth, sorry," sabi ni Kiefer sa wakas. "Ayokong saktan ka. Pero oo. Si Sabrina yung mahal ko. Simula pa lang." Tumango si Gwyneth. Pilit na ngumiti. "Okay. Naiintindihan ko." --- GABI NG PAG-UUSAP TUNGKOL SA ANNULMENT Nasa sala sila. Magkaharap. Parang hindi mag-asawa. Parang dalawang estranghero na nag-aayos ng kontrata. "Magpa-file tayo ng annulment," sabi ni Kiefer. "Ako magbabayad ng lahat. Ako mag-aasikaso. Hindi ka na mahihirapan. Bibigyan din kita ng pera, para makapagsimula ka ulit sa probinsya." "Isang taon lang daw, di ba?" tanong ni Gwyneth. "Bakit ngayon na? Dalawang linggo pa lang tayo." "Kasi ayokong pahirapan ka pa," sabi ni Kiefer. "Ayokong umasa ka pa na baka mahalin kita. Hindi fair sa'yo. Mas mabuti nang tapusin natin ngayon habang maaga pa." Tumingin si Gwyneth sa kanya. Sa unang pagkakataon, hindi na siya yung tahimik na babae na nagluluto at naghihintay. "Kiefer, alam mo ba kung ano yung pinaka-masakit?" tanong niya, nanginginig na yung boses niya. "Ano?" "Hindi yung hindi mo ako mahal. Alam ko na yun simula pa lang. Ang masakit, sa loob ng dalawang linggo, nagsimula na akong maniwala na baka... baka pwedeng magbago. Yung almusal kaninang umaga, yung note mo... akala ko totoo." Napayuko si Kiefer. Hindi niya kayang tingnan si Gwyneth sa mata. "Gwyneth, yung almusal, totoo yun. Hindi ko—" "Huwag na," putol ni Gwyneth. "Sige. Pumapayag ako. Magpa-annul tayo." Tahimik. "Pumapayag ako, pero may isa akong kondisyon." "Ano yun?" tanong ni Kiefer. "Hanggang hindi pa napapa-annul, dito pa rin ako titira. Hindi ako aalis na parang pinalayas. At huwag mo akong kaawaan. Hindi ko kailangan ng pera mo. Yung pinirmahan natin, tapusin natin ng maayos." Tumango si Kiefer. At nung gabing yun, bumalik si Gwyneth sa guest room. Mag-isa ulit. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya umiyak dahil sa selos. Umiyak siya kasi sa loob ng dalawang linggo, natutunan niyang mahalin yung taong hindi siya kayang mahalin pabalik. At sa kabilang kwarto, si Kiefer, hindi makatulog. Paulit-ulit niyang naririnig yung boses ni Gwyneth. "Akala ko totoo." At sa unang pagkakataon, hindi siya sigurado kung tama ba yung desisyon niyang magpa-annul. --- ARAW NG PIRMAHAN Nasa law office sila. Malamig. Tahimik ang lugar. Nasa harap ni Gwyneth yung annulment papers. Malinis. Nakaayos na lahat. Si Kiefer na daw bahala sa bayad. Pipirma na lang siya. Kinuha niya yung ballpen. Nanginginig yung kamay niya, pero pinilit niyang pumirma. *Gwyneth Del Fuentez.* Pagkatapos niyang pumirma, tumingin siya kay Kiefer. "Tapos na," sambit niya. "Malaya ka na." Tumayo na siya. Kukunin na niya yung bag niya para umalis na. Pabalik na siya ng probinsya. Kay Guiller, kay Gianna at kay Itay. Pero bago pa siya makalabas ng pinto— "Gwyneth, wait." Si Sabrina yun. Hindi na siya naka-red dress. Simple lang. Namumugto yung mata. Parang umiyak. "Pwede ba tayo mag-usap? Kahit saglit lang?" --- YUNG LIHIM NA HINDI ALAM NI GWYNETH Umupo sila ulit. Si Kiefer, hindi makatingin kay Gwyneth. Si Sabrina, hindi mapakali. "Gwyneth, hindi kami nandito para saktan ka ulit," saad ni Sabrina, pilit na kalmado. "Gusto lang namin mag-sorry. Sa lahat." "Okay na. Tapos na," malumanay na sagot ni Gwyneth. "Hindi pa," sabi ni Kiefer sa wakas. "May... may kailangan kami sabihin sa'yo." Tahimik ito.. "Kahapon, nagpa-check up si Sabrina," panimula ni Kiefer. "Matagal na kasi namin pinag-uusapan na pagkatapos ng annulment, magpapakasal kami at bubuo ng pamilya. Akala namin madali lang yun." Lumingon si Sabrina kay Gwyneth, at doon na siya naiyak. "Gwyneth, baog ako," diretsahang saad ni Sabrina. "Hindi ako pwedeng magbuntis. Kahit kailan. Sinabi ng doctor, wala kaming pag-asa na magka-anak ni Kiefer ng natural." Natigilan si Gwyneth. "At si Mommy," dagdag ni Kiefer. "Si Mommy gusto ng apo. Siya yung dahilan kung bakit ka niya pinakasalan sa akin. Gusto niya ng Del Fuentez na magpapatuloy ng pangalan namin." "Anong kinalaman ko dun?" tanong ni Gwyneth, kahit alam na niya kung saan papunta yung usapan. Kinakabahan na siya. Tumingin si Sabrina sa kanya, hawak yung kamay niya. Mahigpit. "Gwyneth, pwede ba... pwede bang ikaw yung maging surrogate mother namin?" Parang tumigil yung oras. "I... ikaw yung magdadala ng baby namin ni Kiefer. Kami yung magiging magulang sa papel. Kami yung magpapalaki. Pero ikaw yung magbubuntis. Ikaw yung magsisilang." Napaatras si Gwyneth. Binitawan niya yung kamay ni Sabrina. "Ano?!" halos pasigaw niyang sabi. "Kakakapirma ko lang ng annulment natin, tapos ngayon gusto niyo akong gawing... taga-dala ng anak niyo?" "Gwyneth, please," pagmamakaawa ni Sabrina. "Babayaran ka namin. Kahit magkano. Bibigyan ka namin ng bahay, ng pera, ng kahit ano. Hindi ka namin pababayaan. Isang beses lang. Isang baby lang. Para kay Kiefer. Para sa pamilya niya." Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. "Kiefer, ikaw? Pumapayag ka dito? Gusto mo ipagbuntis ko yung anak niyo ni Sabrina? Ako na asawa mo, na hindi mo kailanman minahal, na pinalayas mo sa kabila ng lahat?" sumbat ni Gwyneth. Tahimik lang si Kiefer. Hindi sumagot si Kiefer agad. At tulad ng dati, yung katahimikan niya, yun na yung sagot. "Kung papayag ka," mahinang sabi ni Kiefer, "maibibigay ko sa'yo lahat ng gusto mo. At... hindi mo na kailangan bumalik sa probinsya na walang-wala." Naiyak si Gwyneth. Hindi dahil sa pera. Kundi dahil sa tanong na biglang pumasok sa isip niya: "Paano ko dadalhin sa sinapupunan ko yung anak ng lalaking mahal ko, pero hindi ako ang magiging nanay??" mga tanong sa kanyang isipan.Pagpasok ni Gwyneth, naglakad na siya sa pinakadulo ng lamesa. Yung upuan na para sa CEO lamang. "Good morning," bati ni Gwyneth, kalmado. "Simula ngayon, ako na ang magha-handle ng Del Fuentez Group. Ako ang majority shareholder. Nabili ko na ang shares ni Mommy." Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi pwede! Asawa ako ni Kiefer! Ako ang—" "Asawa ka sa papel," putol ni Gwyneth, nakangiti pero malamig. "Pero ako ang may-ari ng lupa. Ako ang may-ari ng kumpanya. At ako ang ina ng tagapagmana." Tumingin si Gwyneth sa lahat ng empleyado. "At simula ngayon, si Sabrina ay... wala ng opisina dito." Isang gabi, nakita ni Sabrina si Kiefer sa garden. Hindi niya ito nakita ng pitong taon na nakangiti ng ganyan. Nakaupo si Kiefer sa damuhan, naglalaro ng toy car kasama yung batang lalaki. "Daddy, ganito oh! Broomm!" tawa ng bata. At si Kiefer, tumawa rin. Yung totoong tawa. Yung tawa na hindi niya kailanman ibinigay kay Sabrina. Lumapit si Sabrina, nanginginig. "Kiefer, akin k
Tahimik pa rin ang buong hall. Walang humihinga. Si Sabrina, biglang namutla at nawala ang kanyang poise. Yung kamay niya, nanginginig habang nakakapit sa braso ni Kiefer. "K-Kiefer, paalisin mo siya! Security!" sigaw ni Sabrina, pero walang gumagalaw. Lahat nakatingin sa kambal. Yung batang lalaki, tumingala kay Kiefer. Walang takot. "Ikaw ba si Kiefer?" tanong niya, diretso. Napalunok si Kiefer. "Oo... ako..." "Hmm." Tiningnan siya ng bata mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. "Sabi ni Mommy, ikaw daw yung tatay namin. Pero hindi ka mukhang tatay namin, Mister at bakit mukha kang... malungkot." Napaatras si Kiefer. Parang sinaksak siya sa dibdib. Yung batang babae naman, humawak sa gown ni Gwyneth. "Mommy, siya ba yung babaeng gustong magpasunog sa atin dati?" Napatigil ang lahat. Rinig na rinig sa mic. Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi! Sinungaling! Hindi totoo yan!" Pero tumingin si Donya Anastacia kay Sabrina ng matagal at matalim. "Sabrina," wi
Isang buwan pagkatapos malaman ni Donya Anastacia ang lahat, nalaman na rin nila ang totoo. *Buntis si Gwyneth at kambal pa. Isang babae at isang lalaki. Natuwa ito. Natuwa rin si Kiefer. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Kiefer si Gwyneth ng totoong yakap, hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya. Pero si Sabrina... hindi siya natuwa sa kanyang nakikita. Parang unti-unti ng nawawala ang atensyon ni Kiefer na dapat ay para sa kanya. Tila nawa siya sa plano nila, siya ang dapat maging Mommy ng mga bata. Siya ang dapat tawaging Mommy. Pero ngayong buntis si Gwyneth at kinampihan pa ng ginang si Gwyneth, nawala na siya ng tuluyan sa eksena. Isang gabi, habang tulog ang lahat sa Mansyon, nagising si Gwyneth sa amoy ng kakaibang usok. May sunog sa kusina. Maliit pa lang, pero mabilis kumalat. At habang tumatakbo siya palabas, nakita niya si Sabrina sa dulo ng hallway. Nakatayo. Nakatingin. Hawak ang lighter. "Sabrina, anong ginawa mo?!" sigaw ni Gwyneth. "Hindi ka dapat nabuntis,"
GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung
ISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "G
UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang."May apo is coming." excited na wika ng ginang.Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya. Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang. ISANG GABIAlas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa







