Se connecterGABI BAGO SIYA SUMAGOT
Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung magiging surrogate ako, gusto ko natural na paraan," sabi ni Gwyneth, nanginginig pero buo yung boses niya. "Hindi ako papayag na maging laboratoryo lang. Kung dadalhin ko yung anak niyo sa katawan ko, gusto ko... gusto ko maramdaman na akin din siya, kahit sandali lang." "Gwyneth..." bulong ni Kiefer. "At higit sa lahat," dagdag niya, tumulo na yung luha niya, "Mahal kita, Kiefer. Alam mo yun. Alam niyong dalawa yun. Ito na lang yung isang beses na pwede kong angkinin na asawa kita. Na akin ka. Kahit isang gabi lang. Pagkatapos nito, aalis na ako. Ibibigay ko sa inyo yung bata. Hindi na ako magpapakita." Umiyak si Sabrina. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o maaawa. Kiefer, hindi makapagsalita. Tinitingnan niya si Gwyneth. Yung babaeng pinakasalan niya dahil sa utos ng Mommy niya. Yung babaeng nagluto sa kanya. Yung babaeng pinirmahan na yung annulment para palayain siya. At ngayon, yung babaeng handang isakripisyo yung katawan niya para sa pamilya niya. "Gwyneth, sigurado ka ba?" tanong ni Kiefer sa wakas. "Opo," sagot ni Gwyneth. "Yan yung presyo ko. Kung ayaw niyo, uuwi na ako ng probinsya ngayon din." Tumingin si Kiefer kay Sabrina. Tumingin si Sabrina kay Kiefer. At sa huli, tumango si Sabrina, umiiyak. "Sige. Pumapayag ako." nakayukong sagot nito. Hindi dahil nahihiya siya pero alam niya ito lang ang tanging paraang para hindi na maagaw pa ni Gwyneth si Kiefer sa kanya. ISANG GABI LANG Sa bahay nilang mag-asawa, sa kwarto na hindi nila kailanman pinagsaluhan, pumasok si Gwyneth. Hindi siya naka-duster. Hindi siya naka-make up. Siya lang. Si Kiefer, nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung ano sasabihin. "Kiefer, hindi mo kailangan magsalita," saad ni Gwyneth ng mahina. Lumapit siya. Hinawakan niya yung kamay ni Kiefer. "Isang gabi lang. Pagkatapos nito, kalimutan mo na." At sa gabing yun, sa unang pagkakataon at sa huling pagkakataon, naging tunay silang mag-asawa. Walang Sabrina. Walang annulment. Walang kontrata. Siya lang at si Kiefer. At yung pagmamahal na matagal nang itinago ni Gwyneth. Kinabukasan, pag gising ni Kiefer, wala na si Gwyneth sa tabi niya. Nasa lamesa lang yung isang maliit na note. (Nagawa ko na yung parte ko. Huwag mo akong hanapin hangga't hindi pa sigurado kung buntis ako. ) At si Kiefer, hawak yung note, hindi niya alam kung bakit mas masakit pa to kaysa sa araw na pumirma sila ng annulment. DALAWANG LINGGO PAGKATAPOS NG GABING YUN Hindi pa alam ni Gwyneth kung buntis siya. Hindi pa rin siya umuuwi ng probinsya. Nasa dati pa rin nilang bahay. Naghihintay. Tahimik lang. Si Kiefer, umiiwas. Hindi niya alam kung paano haharapin si Gwyneth pagkatapos ng gabing yun. Si Sabrina, hindi na rin halos tumatawag. Parang nagsisisi na rin siya sa pinayagan niya. At doon dumating si Mommy Del Fuentez. Walang abiso. Walang tawag. Bigla na lang bumukas yung gate. "Gwyneth! Kiefer!" sigaw ni Mommy, dala-dala yung mga pasalubong para sa apo niya. "Nasaan na yung apo ko? Dapat may laman na yang tiyan mo!" Pero pagpasok niya sa sala, natigilan siya. Nandoon si Gwyneth. Nandoon si Kiefer. Nandoon si Sabrina. Magkakaharap. Parang may mabigat na hindi masabi. "Anong ginagawa ni Sabrina dito?" tanong ni Mommy, matalim yung tingin. "Mommy..." simula ni Kiefer. At doon, hindi na nakatiis si Gwyneth. "Mommy, kailangan niyo pong malaman," ani niya, nanginginig. "Gwyneth, huwag—" pigil ni Kiefer. Pero tuloy-tuloy si Gwyneth. Pagod na siyang magtago. "Mommy, nagpa-annul na po kami ni Kiefer. Pumirma na po ako. At si Sabrina po... hindi po siya pwedeng magbuntis." Nanlaki yung mata ni Mommy. "Ano?!" "At pumayag po ako na maging surrogate mother nila," dagdag ni Gwyneth. "Pero... pero hindi po sa hospital. Natural po yung nangyari." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mommy Del Fuentez. "Ano'ng natural? Anong ibig mong sabihin, Gwyneth?!" sigaw ni Mommy. Yumuko si Gwyneth. Umiiyak. "Mommy, nag-siping po kami ni Kiefer. Isang beses. Yun po yung kondisyon ko para pumayag ako." Tahimik. Sobrang tahimik na parang sasabog yung bahay. Pagkatapos, isang malakas na sampal ang narinig. *PAK!* Sinampal ni Mommy si Kiefer. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, sinampal siya ng Mommy niya. "KIEFER! ANONG GINAWA MO?!" sigaw ni Mommy, nanginginig sa galit. "Asawa mo si Gwyneth! Pinakasalan mo siya sa simbahan! Tapos ginawa mo siyang... ginawa mo siyang parausan at taga-dala ng anak niyo ni Sabrina?!" "Mommy, hindi ganun—" depensa ni Kiefer. "Huwag mo akong matawag na -Mommy!" sigaw ng ginang na galit na galit. "Ikaw, Sabrina. Ikaw ang may pakana nito, di ba? Ikaw ang nag-udyok sa anak ko na bastusin yung asawa niya!" Umiyak si Sabrina. "Tita, gusto ko lang po magka-anak—" "Hindi ganyan magka-anak!" sigaw ni Mommy. "Hindi mo ginagamit ang tao na parang bagay!" Lumingon si Mommy kay Gwyneth. At doon, lumambot yung mukha niya. Niyakap niya si Gwyneth ng mahigpit. "Anak, patawad," bulong ni Mommy, umiiyak na rin. "Ako ang nagkamali. Ako ang nagpilit kay Kiefer na pakasalan ka para sa apo. Hindi ko alam na ganito ka sasaktan ng anak ko." "Gwyneth, mula ngayon, hindi ka na surrogate. Hindi ka na kung ano-ano," sabi ni Mommy, matigas. "Ikaw ang manugang ko. Ikaw ang asawa ni Kiefer. At kung may mabubuo man sa gabing yun, anak mo yun. Anak niyo yun. Hindi anak ni Sabrina." Natigilan si Sabrina. "Tita, pero usapan namin—" "Wala akong pakialam sa usapan niyo!" putol ni Mommy. "Kiefer, mamili ka. Si Sabrina na ginawa kang masamang tao, o si Gwyneth na sinakripisyo lahat para sa'yo?" Tumingin si Kiefer kay Gwyneth. Umiiyak. Nanginginig. At sa unang pagkakataon, hindi si Sabrina yung nakita niya. Si Gwyneth yung nakita niya. Yung asawa niya. Ang asawang pinakasalan.Pagpasok ni Gwyneth, naglakad na siya sa pinakadulo ng lamesa. Yung upuan na para sa CEO lamang. "Good morning," bati ni Gwyneth, kalmado. "Simula ngayon, ako na ang magha-handle ng Del Fuentez Group. Ako ang majority shareholder. Nabili ko na ang shares ni Mommy." Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi pwede! Asawa ako ni Kiefer! Ako ang—" "Asawa ka sa papel," putol ni Gwyneth, nakangiti pero malamig. "Pero ako ang may-ari ng lupa. Ako ang may-ari ng kumpanya. At ako ang ina ng tagapagmana." Tumingin si Gwyneth sa lahat ng empleyado. "At simula ngayon, si Sabrina ay... wala ng opisina dito." Isang gabi, nakita ni Sabrina si Kiefer sa garden. Hindi niya ito nakita ng pitong taon na nakangiti ng ganyan. Nakaupo si Kiefer sa damuhan, naglalaro ng toy car kasama yung batang lalaki. "Daddy, ganito oh! Broomm!" tawa ng bata. At si Kiefer, tumawa rin. Yung totoong tawa. Yung tawa na hindi niya kailanman ibinigay kay Sabrina. Lumapit si Sabrina, nanginginig. "Kiefer, akin k
Tahimik pa rin ang buong hall. Walang humihinga. Si Sabrina, biglang namutla at nawala ang kanyang poise. Yung kamay niya, nanginginig habang nakakapit sa braso ni Kiefer. "K-Kiefer, paalisin mo siya! Security!" sigaw ni Sabrina, pero walang gumagalaw. Lahat nakatingin sa kambal. Yung batang lalaki, tumingala kay Kiefer. Walang takot. "Ikaw ba si Kiefer?" tanong niya, diretso. Napalunok si Kiefer. "Oo... ako..." "Hmm." Tiningnan siya ng bata mula ulo hanggang paa, parang nag-iinspeksyon. "Sabi ni Mommy, ikaw daw yung tatay namin. Pero hindi ka mukhang tatay namin, Mister at bakit mukha kang... malungkot." Napaatras si Kiefer. Parang sinaksak siya sa dibdib. Yung batang babae naman, humawak sa gown ni Gwyneth. "Mommy, siya ba yung babaeng gustong magpasunog sa atin dati?" Napatigil ang lahat. Rinig na rinig sa mic. Nanlaki ang mata ni Sabrina. "Hindi! Sinungaling! Hindi totoo yan!" Pero tumingin si Donya Anastacia kay Sabrina ng matagal at matalim. "Sabrina," wi
Isang buwan pagkatapos malaman ni Donya Anastacia ang lahat, nalaman na rin nila ang totoo. *Buntis si Gwyneth at kambal pa. Isang babae at isang lalaki. Natuwa ito. Natuwa rin si Kiefer. Sa unang pagkakataon, niyakap ni Kiefer si Gwyneth ng totoong yakap, hindi dahil sa guilt, kundi dahil sa saya. Pero si Sabrina... hindi siya natuwa sa kanyang nakikita. Parang unti-unti ng nawawala ang atensyon ni Kiefer na dapat ay para sa kanya. Tila nawa siya sa plano nila, siya ang dapat maging Mommy ng mga bata. Siya ang dapat tawaging Mommy. Pero ngayong buntis si Gwyneth at kinampihan pa ng ginang si Gwyneth, nawala na siya ng tuluyan sa eksena. Isang gabi, habang tulog ang lahat sa Mansyon, nagising si Gwyneth sa amoy ng kakaibang usok. May sunog sa kusina. Maliit pa lang, pero mabilis kumalat. At habang tumatakbo siya palabas, nakita niya si Sabrina sa dulo ng hallway. Nakatayo. Nakatingin. Hawak ang lighter. "Sabrina, anong ginawa mo?!" sigaw ni Gwyneth. "Hindi ka dapat nabuntis,"
GABI BAGO SIYA SUMAGOT Hindi nakatulog si Gwyneth buong gabi. Nasa isip niya yung probinsya. Si Guiller, kailangan ng pang-tuition. Si Gianna, may sakit. Si Itay, matanda na, hirap nang magtrabaho. At yung alok nila, malaki. Sobrang laki. Yung halagang yun, kayang baguhin yung buhay ng pamilya niya. Pero yung kapalit... Kinabukasan, bumalik siya sa law office. Mag-isa. Nandoon si Kiefer at Sabrina. Naghihintay. "Napag-isipan ko na," sabi ni Gwyneth, diretso. "Papayag ako." Napahinga ng maluwag si Sabrina. Naiyak sa tuwa. "Pero may kondisyon ako," dagdag ni Gwyneth. "Ano? Kahit ano, Gwyneth. Kahit ano," sabi ni Sabrina. Tumingin si Gwyneth kay Kiefer. Diretsahan. Walang takot. "Ayokong dumaan sa hospital. Ayokong ng IVF, ayokong ng injection, ayokong ng laboratoryo." "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kiefer, kinakabahan na. "Gusto ko ng natural." prangkang wika ni Gwyneth. Tahimik. Sobrang tahimik. "Gwyneth, ano—" hindi matapos ni Sabrina yung sasabihin niya. "Kung
ISANG HAPON, DUMATING SI SABRINA Hindi kumatok si Sabrina. Parang bahay niya. Naka-red dress. Naka-heels. Amoy mamahaling pabango. Pagpasok niya, tiningnan niya si Gwyneth mula ulo hanggang paa. Naka-duster lang si Gwyneth. Walang make-up. Hawak pa yung basahan kasi naglilinis siya. "So ikaw pala si Gwyneth," sabi ni Sabrina, nakangiti pero hindi mabait yung ngiti. "Yung pinakasalan ni Kiefer dahil lang sa Mommy niya." Hindi sumagot si Gwyneth. Hindi niya alam kung paano sasagot sa babaeng mas maganda, mas maayos, mas mahal ng asawa niya. "Kiefer, nasan ka?" tawag ni Sabrina. Bumaba si Kiefer. At pag nakita niya si Sabrina, hindi siya nagulat. Parang inaasahan niya na. "Sabrina, anong ginagawa mo dito?" tanong niya, mahina. "Kiefer, pagod na ako," sabi ni Sabrina. "Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging second choice. Sabi mo isang taon lang. Pero tingnan mo, dalawang linggo pa lang, hindi mo na ako matawagan ng maayos." Tumingin si Sabrina kay Gwyneth. "G
UNANG LINGGO BILANG MRS. DEL FUENTEZ. Sa sarili nilang bahay at hindi sa Mansyon. Ayaw pumayag ni Kiefer na doon sila tumira. Labag man sa kalooban ng Mommy niya pero wala itong nagawa kundi pumayag na rin. Naisip niya na baka maging okay at mas magkakilanlan ang dalawa kung magkakasama nga sa iisang bahay na silang dalawa lang."May apo is coming." excited na wika ng ginang.Halatang gusto ng ipag shopping ang mga future apo niya. Isang linggo nang kasal si Gwyneth. Isang linggo na rin siyang mag-isa sa bahay nilang mag-asawa.Tuwing umaga, nagluluto siya. Tuwing tanghali, naglilinis siya. Tuwing gabi, naghihintay siya sa wala.Pero si Kiefer, hindi niya halos makita.Maaga itong umaalis. Gabi na kung umuwi. At kapag umuuwi, diretso ito sa kwarto nito. Hindi ito kumakain ng luto niya. Hindi ito nagsasalita man lang. Hindi rin siya kinakamusta man lang. ISANG GABIAlas-nueve na ng gabi. Nasa guest room si Gwyneth, nag-aayos ng mga damit niya, nang makarinig siya ng mga yabag mula sa

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





