SA PAGBUKAS ng pinto, dalawang lalaki ang pumasok, parehong may malamig na ekspresyon. Ang isa ay may matalim na mga mata at mapanganib na ngiti, habang ang isa ay matangkad at tahimik lang na nakamasid sa paligid.Si Jessica ay napasiksik sa sulok ng silid, nanginginig sa takot. Napatigil ang lalaking may malamig na tingin, saka siya tinitigan na para bang wala siyang halaga.“Enjoy it while you can,” malamig nitong sabi, may halong mapanuyang ngiti. “Just don’t die too soon.”Pagkasabi niyon, lumakad itong palabas, para bang nandidiri pang tumingin muli sa kanya. Naiwan ang isa pang lalaking kasama nito, matipuno, tahimik, at walang emosyon sa mukha. Lumapit ito nang mabagal kay Jessica, na halos hindi na makagalaw sa takot.Sa bawat hakbang nito, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Hanggang sa tuluyan siyang masubsob sa sahig, at sa isang iglap, marahas siyang binuhat at ibinagsak sa kama.---KINABUKASAN, sa highway papuntang Batangas, nakasakay si Caden sa likurang bahagi ng
Última atualização : 2025-12-15 Ler mais