SANDALING tumalim ang mga mata ni Caden. “Demon King?” marahan niyang inulit, halos hindi marinig. Isang pangalan na matagal na niyang narinig noon, isang multong dapat ay matagal nang nawala. Tumango si Liam. “Matagal na po siyang nagtatago. Ayon sa records, bigla siyang umatras sa illegal operations years ago at pumasok sa mga lehitimong negosyo tulad ng real estate, pharma, hospitality. Slowly, nilinis niya ang pangalan niya. Kung hindi dahil sa contact ko sa NBI Intelligence Division, hindi namin ’to mahuhukay.” Kinuha ni Caden ang folder. Mabilis niyang inisa-isa ang laman, mga litrato, financial trails, foreign bank movements, lumang kaso na biglang na-dismiss. Sa halip na magalit, bahagya siyang napangiti. Isang ngiting tuso. “I see...” marahan niyang sambit. “Kaya pala.” Ibinaba niya ang folder at marahang tinapik ang mesa. “Kahapon,” dugtong niya, mababa ang boses, “sobrang ingay ng pangalan ko sa internet...” Tumigil siya sandali, saka tumingin kay Liam. “Panahon
Última actualización : 2026-01-13 Leer más