KINABUKASAN.Ang condo unit ni Talia ay parang naging battlefield ng tatlong babae. Tahimik ang labas ng gusali, pero sa loob ng sala, puno ng tensyon.Nakatayo si Bea malapit sa center table, naka-cross arm, nakataas ang baba— in full combat mode. Direkta ang titig niya sa babaeng nasa tapat nila.Kay Jessica.Maayos ang bihis nito, designer dress, flawless ang makeup, parang may photoshoot. Pero ang ngiti ay may lason.“Jessica,” malamig na bungad ni Bea, “natural ka bang tuso o pinag-aralan mo talaga?” May halong pangungutya ang tono niya nang magsalita. “Hindi ka pa ba nagsasawa kay Caden? Pati si Lucas pinapakialaman mo na rin?”Bahagyang tinakpan ni Jessica ang bibig habang tumatawa nang mahina, elegante, pero matalim ang mata.“Grabe ka naman, Bea,” sabi niya. “Ang dami mong assumptions.”Lumipat ang tingin niya kay Talia na nakasandal sa sofa armrest, kalmado ang postura kahit may bakas pa ng pasa sa leeg na bahagyang tinatakpan ng scarf.“Talia,” sabi ni Jessica na may provoc
最終更新日 : 2026-02-05 続きを読む