MASAKIT ang pagkakahawak sa baba ni Bea, pero tiniis niya iyon. Bahagya siyang umiling, pilit nilalabanan ang hilo at takot. Kahit nanginginig ang katawan niya, malinaw sa isip niya ang isang bagay... AT hindi siya pwedeng magkamali.“Hindi…” paos niyang sabi, halos pabulong. “Hindi ako nagkakamali…”Nanatiling malamig ang titig ni Mr. Crest sa kanya. Walang kahit anong emosyon na mababasa roon. Walang awa, walang galit, walang konsensya… kundi isang malalim na panganib.At iyon ang mas nakakatakot. Dahil sa isang iglap, nagduda si Bea sa sarili niya. Paano kung mali siya? Paano kung hindi nga ito ang lalaking iniisip niya? Pero kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, hindi niya maalis ang pakiramdam. Kilalang-kilala niya ang tindig na iyon. Ang presensya na iyon. Ang paraan ng pagtingin na parang kaya siyang basahin hanggang kaluluwa.“B—Bakit…” mahina niyang usal, nanginginig ang boses. “Bakit ka nandito…? At bakit—”Hindi niya natuloy ang sasabihin dahil mas lalong humigpi
Last Updated : 2026-02-24 Read more