“KASABAY nito,” malinaw na dugtong ni Talia sa harap ng mic, steady ang tindig, “gusto ko ring magpasalamat kay Mr. Caden Montclair sa maayos na imbitasyon. Dahil dito, personal kong maipapakita at maipapaliwanag sa lahat ang bagong family intelligent medical system, ang Little M.”Sandali siyang tumigil. Inilibot niya ang tingin sa buong auditorium mula sa kalat-kalat na upuan hanggang sa media row, bago ito tuluyang tumigil kay Caden. May kumpiyansang kislap sa mga mata niya.“Before tayo magsimula,” sabi niya, “let me give a short self-introduction.” Tahimik ang venue. Pati ang livestream chat feeds nagsimulang bumagal.“Ako si Talia Marquez,” aniya, malinaw ang boses. “Founder ng HelixCore Technology.”May bahagyang bulungan sa audience matapos niyang sabihin iyon.“Sa industry,” dugtong niya, “at sa ilang long-time followers ng medical tech scene, mas kilala ninyo ako sa isa pang pangalan.” Bahagya niyang tinaas ang baba. Ngumiti ng kalmado, pero may impact.“Binigyan nila ako ng
最終更新日 : 2026-02-10 続きを読む