SA KABILANG dulo ng Grey Wharf, habang patuloy ang ingay ng lungsod na hindi natutulog, muling nabuhay ang Iron Ring Arena.Mas mainit ang hangin sa loob kaysa dati, halos malagkit sa balat, puno ng amoy ng pawis, bakal, at dugo. Sa sahig, ang bakas pa ang mapulang dugo, senyales na katatapos lang ng laban.Sa gitna ng arena, isang huling mandirigma ang nakatayo, puno ng dugo ang katawan, pero tuwid ang tindig. Sa paanan niya, nakahandusay naman ang kalaban na puno rin ng dugo at sugat ang katawan.Sumabog ang sigawan ng crowd. Palakpakan, sigawan, at hiyawan. Pero hindi iyon ang pinakainaabangan ng lahat. May iba pa.Ilang sandali pa'y dahan-dahang yumanig ang gitna ng arena. May malalim na tunog ng bakal na gumagalaw mula sa ilalim. Sa loob ng ilang segundo, unti-unting bumukas ang sahig. Mula roon, lumitaw ang isang malaking bakal na kulungan. At sa loob nito ay mayroong isang babae— Si Bea.Nakatali ang mga kamay niya gamit ang makapal na lubid. May panyo sa bibig niya, pilit pini
Terakhir Diperbarui : 2026-02-20 Baca selengkapnya