KINABUKASAN, mas maaga kaysa karaniwan ang pagpasok ni Ashton sa Salvatore Shipping Tower.Tahimik ang buong executive floor. Iilan pa lamang ang empleyadong dumarating, ngunit bukas na ang ilaw sa opisina ng CEO.Sa loob, nakatayo siya sa harap ng floor-to-ceiling window habang tanaw ang unti-unting paggising ng Metro Manila. May hawak siyang tasa ng itim na kape, pero malamig na iyon. Hindi pa rin niya iniinom."Sir."Napalingon siya nang pumasok si Marco dala ang tablet at ilang dokumento."Nandito na po ang reports para sa Batangas expansion.""Iwan mo lang.""May investor briefing din po tayo mamayang alas-diyes."Tumango lang siya. Pero halatang wala roon ang isip niya.Napansin iyon ni Marco. "Sir...""Hm?""Okay lang po ba kayo?"Bahagyang napangiti si Ashton. "Professional question ba 'yan o personal?""Pareho po."Napabuntong-hininga siya. "I'm fine."Alam ni Marco na hindi iyon totoo. Pero wala na siyang sinabi. Tahimik na lang siyang lumabas ng opisina.---PAGKAKAALIS ng
Baca selengkapnya