MAKALIPAS ang ilang linggo...Lumaki na nang bahagya ang tiyan ni Bea. Anim na buwan na ang ipinagbubuntis niya. Mas halata na ngayon ang kanyang baby bump, at kahit simpleng oversized dress lang ang suot niya ay hindi na iyon natatakpan.Ayon sa doktor, maayos ang lagay nilang mag-ina. Kailangan lang niyang iwasan ang sobrang pagod at stress. At iyon mismo ang dahilan kung bakit halos araw-araw nang may dalang kung anu-anong pagkain si Ashton.---LUNES ng umaga.Eksaktong alas-nuwebe. Tahimik na bumukas ang pinto ng executive boardroom ng Salvatore Shipping Tower. Dalawampung executives ang agad na tumayo."Good morning, sir.""Morning."Diretso ang lakad ni Ashton papunta sa dulo ng mahabang conference table. Inilapag niya ang tablet. "Let's begin."Walang paligoy-ligoy.Sa loob ng susunod na isang oras, sunod-sunod niyang tinalakay ang financial reports, expansion projects, shipping schedules, at negotiations sa bagong international partners."Move the Cebu launch to next month."
Ler mais