MAULAP ang kalangitan sa labas ng maliit at pribadong hall ng Tagaytay venue na pinagdausan ng kanilang kasal. Ang malamig na simoy ng hangin ay banayad na umaagos pasok sa bintana, nagdadala ng amoy ng sariwang pine trees at basang lupa.Walang magarbong palamuti, walang daan-daang bisita, at walang maingay na media. Tanging ang mga magulang lang ni Bea, sina Talia at Mia, ang presiding judge, at ang ilang legal witnesses ang nasa loob ng silid.Nakatayo si Bea sa tapat ng altar, suot ang isang simpleng off-white A-line maternity dress na gawa sa malambot na silk. Ang kanyang pitong buwang tiyan ay maayos na nababalutan ng tela, habang ang kanyang buhok ay nakatali nang pahapyaw sa likod. Inayos niya ang hawak na maliit na bouquet ng white freesia at baby's breath.Sa harap niya, nakatayo si Ashton.Naka-charcoal gray tailored suit ito na walang necktie, mas relaxed, mas malapit sa tao. Sa kabila ng pagiging pormal ng okasyon, kapansin-pansin ang panginginig ng kanyang mga kamay haba
Leer más