TAHIMIK lang ang buong dining hall matapos magsalita si Talia. Ramdam ni Lyndon ang lamig sa pagitan ng dalawa kaya agad siyang bahagyang yumuko bago nagsalita, “Noted po, Miss Marquez.”Tumingin si Lyndon sa kanyang boss, parang nag-aantay ng kumpas kung itutuloy ba ang briefing ng mga doktor.“Proceed,” maikling sagot ni Caden, walang pagbabago sa tono.Lumapit si Dr. Luis, dala ang medical kit. “Miss Marquez, lilinisin ko po ulit ‘yung sugat n’yo sa braso, para makasigurong walang infection.”Tumango si Talia. “Okay lang. Just… be careful.”Habang abala ang doktor, marahang lumapit naman si Dr. Evangelista, bitbit ang tablet. “Miss Marquez, gusto ko lang po sanang malaman kung may mga pagkain kayong ayaw o allergic kayo para maayos ko ang meal plan.”“I’m not picky,” kalmado niyang sagot, “pero allergic ako sa milk. Kahit anong may halong dairy, no.”Saglit na natahimik ang lahat. Napatingin si Lyndon sa kanyang boss, at doon nila sabay-sabay nakita kung paanong nagdilim ang mukha
Last Updated : 2025-11-10 Read more