BANDANG alas-nuwebe ng gabi sa St. Luke’s Medical Hospital, marahang dumilat si Talia, nanlalabo pa ang paningin habang pinipilit alalahanin kung nasaan siya. Maputi ang kisame, malamig ang hangin, at amoy disinfectant ang paligid. May nakakabit na IV sa kamay niya, at sa tabi ng kama, tahimik na umuugong ang makina ng oxygen monitor. “Nasaan ako?” bulong niya sa sarili, pilit inaalala ang huling nangyari. Mabilis na bumalik sa isip niya ang mga eksena, ang sobrang sakit ng ulo, ang bigat ng dibdib, at ang huling tinig na narinig niya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Isang tinig na puno ng kaba— si Caden. Napaupo siya bigla, hinahabol ang hininga. Mabilis ang tibok ng puso niya, parang may gusto siyang alamin, pero hindi sigurado kung totoo o panaginip lang ang lahat. “Hoy besty, dahan-dahan lang,” isang pamilyar na boses ang narinig niya. Paglingon niya, pumasok si Bea, bitbit ang maliit na bag ng prutas at may halong pag-aalala ang mukha. “Sa wakas gising ka na rin,” ani B
Huling Na-update : 2025-11-02 Magbasa pa