PAG-ALIS ni Caden mula sa Montclair mansion, tila hindi siya makahinga.Ang mga sinabi ni Mang Walter ay paulit-ulit lang na umuukit sa isip niya — car accident, memory loss, a girl he might’ve forgotten.Habang nakasakay sa kotse, marahang isinandal niya ang ulo sa headrest at pinikit ang mga mata. Kasabay ng ingay ng ulan sa bubong, bumalik sa isip niya ang mga piraso ng alaala— ang kidlat, preno, at isang batang umiiyak sa gilid ng kalsada.Hindi niya alam kung imahinasyon lang ba iyon o bahagi ng nakaraan na matagal nang tinakpan ng dilim.Pagdating niya sa Montclair Villa, agad niyang tinawagan si Lyndon. “Hanapin mo si Rick Manzano,” mariin niyang sabi. “Siya ‘yong driver namin noong naaksidente ako. Hanapin mo siya kahit saang lupalop siya nakatira.”“On it, Sir, ” sagot ni Lyndon. “Pero Sir, may bago akong balita.”“What is it?”“Si Miss Talia,” sagot ni Lyndon, huminto sandali. “Nasa Lee Pharmaceutical siya. Tatlong araw na raw doon. Hindi lumalabas.”Napatingin si Caden sa b
Last Updated : 2025-11-06 Read more