Narinig ni Cassie ang mahinahong tinig ni Reydon habang nagsisimula itong magsalita, tila maingat na pumipili ng mga salitang gagamitin.“Some people don’t know where to start, kaya nauuwi na lang sa kung ano ang bigla nilang nasasabi,” aniya, saka marahang napabuntong-hininga. “I already hinted at you before, actually, I made it very clear, na gusto ka ni Calix. Pero ayaw mo talagang maniwala, so today, I’ll give you a concrete example.”Saglit siyang tumigil, waring sinusukat ang magiging reaksyon ni Cassie bago muling nagpatuloy. “For example, naaalala mo ba ang suot niyang kuwintas? Iyong mukhang ordinaryo lang, halos parang mumurahing bagay na mabibili lang sa gilid-gilid?”Hindi alam ni Cassie kung bakit, ngunit malinaw sa isipan niya ang tinutukoy na kuwintas. Hindi pa niya kailanman nakita si Calix na hinubad iyon, kahit isang beses.“Look at you,” mahina ngunit may halong panghihinayang na sabi ni Reydon, sabay iling ng ulo. “Hindi mo man lang naaalala. That necklace is yours
Read more