[Eliara’s POV]Matagal bago tuluyang nawala ang amoy ng usok.Sa bawat paghinga ko, parang naririnig ko pa rin ang mga sigaw, ang mga putok ng baril, ang mga alaala ng gabing iyon.Ngayon, tahimik na.Tahimik na ang mundo — pero hindi ang puso ko.Nasa isang villa kami sa labas ng Palermo.Malayo sa lungsod, malayo sa lahat.Tahimik ang umaga, tanging alon lang sa dalampasigan ang naririnig.Nakatayo ako sa balkonahe, hawak ang tasa ng kape, at pinagmamasdan ang araw na unti-unting sumisilip.Ang liwanag ay malambot, hindi masakit sa mata — parang paalala na matapos ang lahat ng dilim, may liwanag pa ring babalik.Narinig ko ang mga yabag sa likod ko.“Gising ka na pala,” sabi ni Alessandro, bagong gising, may benda pa rin sa braso.May pagod pa sa mukha niya, pero sa unang pagkakataon, nakita ko siyang… payapa.“Hindi ako makatulog,” sabi ko.He came closer, stood beside me, and looked out at the sea.“Matagal na rin akong hindi nakakakita ng umagang ganito,” sabi niya, mahina. “Tahi
Last Updated : 2025-10-14 Read more