Ang liwanag ng umaga ay sumalubong sa amin — malamig, maputla, parang kaluluwang lumabas sa hukay.Basang-basa pa ang hangin mula sa dagat, at ang tunog ng mga alon ay humahalo sa tibok ng puso ko.Naroon kami, nakaluhod sa dulo ng tunnel, habang sa harap namin ay ang malawak na compound ni Serena De Rossi — nakataas ang mga tore, may mga armadong lalaki sa bawat gilid, at mga ilaw na kumikislap sa ilalim ng hamog.Ito na ‘yon.Ang simula ng wakas.“Matteo,” sabi ni Alessandro, mababa ang boses, pero matalim gaya ng bala. “Position the snipers sa kaliwang ridge. I want the east wall down in two minutes.”“Copy that,” sagot ni Matteo, sabay senyas sa dalawa naming tauhan.Mabilis silang tumakbo pataas sa gilid ng burol, hawak ang mga rifle, habang kami naman ay nanatili sa lilim ng mga bato, naghihintay ng tamang oras.Ako naman, mahigpit ang hawak sa baril, ramdam ko ang malamig na metal laban sa palad ko.Nanginginig ako — hindi dahil sa takot, kundi dahil sa adrenaline.Matagal ko n
Last Updated : 2025-10-26 Read more