Alessandro’s POVThe Hunter lunged.Metal claws, red optics, humming blades — lahat sabay-sabay na gustong punitin ako.Pero wala akong ibang iniisip kundi ang isang bagay:Kailangan niyang makalayo. Kailangan mabuhay si Eliara.Umilag ako sa unang slash ng Hunter, sumayad ang blade sa pader at nagkalat ng apoy at sparks.Napaatras ako, gumulong sa sahig, at agad hinagis ang isang flash pellet.BOOM—!Kumislap ang puting liwanag.Pero hindi ito sapat.“FLASH COUNTERMEASURE DETECTED.”“ADJUSTING.”“Tangina ka,” bulong ko sa ilalim ng hininga ko.Tumakbo ako, mabilis, sinamantala ang ilang segundo ng blindness niya.Pero narinig ko ang thud-thud-thud ng metal limbs na makahabol sa rhythm ko.“TARGET VELOCITY: 8.2 M/S”“PURSUIT INITIATED.”Mas mabilis siya. Mas malakas. Mas walang pagod.Pero ako ang mas may pinaglalaban.Tumalon ako sa isang platform, kumapit sa railing, at lumusot sa maintenance bridge.Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang pag-ikot ng dugo sa ulo ko — adrenaline, takot,
Huling Na-update : 2025-11-17 Magbasa pa