Hindi ko na alam kung anong araw na.Ang mga gabi ay nagiging isa na lang — puro ulan, puro dilim, puro pangarap na paulit-ulit kong nakikita:si Alessandro, duguan, tumatakbo palayo, habang tinatawag ko siya sa gitna ng apoy.At sa bawat paggising ko, wala pa rin siya.Pero may isang bagay na nagbago.Hindi na ako takot.Maagang umaga nang tumayo ako sa harap ng salamin.Ang babaeng nakikita ko ay hindi na ang Eliara na natagpuan niya noon — mahinhin, tahimik, palaban lang kapag kailangan.Ngayon, sa mga mata ko, may apoy na hindi ko na kayang itago.Kinuha ko ang itim na coat na iniwan niya, sinuot ko ito kahit malaki.Amoy baril, usok, at Alessandro.At doon ako huminga nang malalim, parang sinusuot ko rin ang tapang niya.“Lucio,” tawag ko, sabay lapit sa opisina niya.Pagharap niya, napakunot ang noo niya. “Miss Eliara, anong ginagawa mo sa suot na ‘yan?”“Magpapahanap ako kay Alessandro.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ma’am, imposibleng—”“Wala nang imposible,” putol ko agad. “Tat
Last Updated : 2025-10-10 Read more