Busy sa pagiging napakabait at maalagang lalaki… …sa pag-aalala sa kabit niya; ang babaeng tunay niyang minamahal.Dalawang araw ang nakalipas, nang dalhan siya ni Dani ng mga prutas sa ospital, ay binulyawan nito si Ralph dahil sa simpleng dahilan, nahuli nito itong nasa VIP ward, abalang inaalagaan si Aubrey.Sa sumunod na araw, agad na inasikaso ni Luna ang discharge papers para sa kanyang paglabas.Dahil nag-aalala sa kalusugan niya, nagpadala ng mensahe si Nathan Robles:Nathan: Luna, should I pick you up from the hospital?Agad naman siyang nagtipa ng reply para rito habang papasok sa elevator.[Don’t bother, Nate. Ihahatid ako ni Dani sa airport.]Ngunit pagdating niya sa underground parking lot, may pamilyar na boses mula sa fire exit siyang narinig. Si Ralph iyon na nakikipag-usap sa cellphone.“Tell me, don’t I know her well enough? Hindi ko akalain na makikipag-away siya kay Aubrey.”Sa boses pa lang ni Ralph, halatang ito sigurado sa mga salitang dapat bitiwan, at nahihi
Read more