Hindi na nagsalita pa si Luna mula nang sumakay siya sa kotse. Tahimik siyang nakasandal sa upuan, ang mga mata’y nakatutok lamang sa mga nadadaanang tanawin sa labas ng bintana, hindi kumukurap.Sa mahigit apat na taon nilang pagkakakilala ni Nathan, hindi lamang siya magalang at maintindihin, pinakita rin niya ang pagiging matatag at magiliw. Pero ngayong gabi, tila ba nag-iba siya.Hindi man siya nagsalita, naramdaman naman ni Nathan ang lungkot sa kanya. Nang mag-red light, marahan nitong inapakan ang break. “Are you okay?”Sa totoo lang, hindi.Masyadong malamig si Hunter, na para bang walang nangyari noon, na parang siya lang ang nakakulong sa galit at poot. Hindi pa sanay si Luna na ikwento sa iba ang nararamdaman niya, kaya pinilit na lamang niyang ngumiti sa lalaki. “Ayos lang ako, Nate.”“You can always tell me anything, Luna,” mahinahong sagot ni Nathan. Hindi na siya nangulit pa pero maingat na nagpaalala, “Kung makikipagsabayan ka kay Hunter, baka magdusa ka lang.”Totoo
Read more