Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Manang Celia sa hindi komportableng paraan, pero tapat siyang sumagot, “Hindi po, Ma’am. Ilang araw nang hindi umuuwi si Sir.” Tumikhim ang ginang. “Alam mo naman ‘yon, Ma’am. Lagi siyang busy. Huwag ho sana kayong mag-isip nang kung anu-ano.”“I know, huwag ka nang mag-alala,” sabi ni Luna. Ayaw na niyang isipin pa kung anong pinagkakaabalahan ng future ex-husband niya.Matapos ang ilang araw ng kulang sa tulog, naligo siya at humiga sa pamilyar niyang kama, umaasang makakatulog nang mahimbing. Ngunit sa halip, nanatili siyang gising. Hindi na siya panatag sa lugar na ito. Parehong silid, parehong kama… wala namang nagbago, pero tila lahat ay nag-iba.Kinuha ni Luna ang cellphone sa bedside table at nagsimulang mag-scroll nang walang saysay sa social media feed.Dani Santos’ post: After sending off the best sister in the universe, I’m going home to continue studying some case files. Napangiti si Luna at binigyan ang post na ‘yon ng thumbs-up. Ha
Read more