“Oo, pare.”Ngumiti si Migs, sinusubukang pakalmahin ang sitwasyon, at itinuro ang regalo ni Luna para sa kanya sa mesa. “She’s busy with work, so she dropped off the gift and left.”Nanatili ang tingin ni Hunter sa regalo, may kung anong emosyon na makikita sa kanyang mga mata.Ang natitirang oras ng gabi ay ginugol nila sa pag-inom hanggang sa matapos ang party.Bilang host ng party na ‘yon, nang mawala ang tama ng alam ay nag-asikaso si Migs para ihatid sa labas ang mga bisita. “Tell me the truth. Ano ba talaga ang nangyari kanina?”Matapos maihatid ang pangalawa sa huling grupo ng mga kaibigan, bumalik siya sa private room at nadatnan si Hunter na nakatitig sa kanya nang mariin, nakakatakot ang tingin nito.Kahit ang boses nito ay may dalang lamig.Napaupo si Migs sa tabi niya, sabay hawak sa kumikirot na ulo.“Hunter, pare, wala lang ’yon kundi selosan lang ng mga babae,” ani Migs. “Pero kung may nararamdaman ka pa kay Luna o tinuturing mo pa rin siyang pamilya mo, pilitin mo siy
Read more