Nang makitang nag-alinlangan ang ekspresyon ni Ralph, lalong diniin ni Aubrey ang mga paratang niya laban kay Luna. “Let me tell you this straight, Ralph. Ipinanganak na malandi si Luna. Marami na siyang nakaka-sex na lalaki—Ah!” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, biglang dinakma ni Ralph ang kanyang baba, ang tingin nito ay kasinglamig ng yelo. “Kung nagmamadali kang samahan ang kapatid ko, sabihin mo lang. You should know better than anyone, I don’t show mercy to women.”Pagkatapos niyon, marahas niya itong itinulak sa malapit na sasakyan at mabilis na naglakad palayo. Kumirot ang likod ni Aubrey nang tumama siya sa bakal, at dumaloy ang takot sa kanyang katawan. Talagang… hindi na niya dapat muling galitin si Ralph.Matapos maglaho ang sasakyan nito, inayos niya ang kanyang sarili bago bumalik sa loob ng mansyon. Binitiwan ni Dustin ang mga laruan nito at tumakbo patungo sa kanya. “Mommy! Kakain na!” “Alright, halika na.” Tinapik niya ang ulo nito at dinala sa dining room.
Read more