Parang isang batang tyrant si Luna noon. At kahit na gano’n, pinagbigyan ito ni Hunter. Noong akma na niya itong tutuksuhin noon, tiningnan siya nito nang kaawa-awa. “Hunter, ikaw na lang ang natitira sa akin. Anong gagawin ko kung mamatay ka dahil sa paninigarilyo?”“Sige, manigarilyo ka pa,” dagdag nito nang may katigasan ng ulo. “Lalanghapin ko lahat ng secondhand smoke, at sabay tayong mamamatay.” Sa ilang salitang iyon, napaatras siya. Anong magagawa niya? Kailangan niyang sumuko.Nang maglaon, noong nagpumilit itong pakasalan si Ralph, hindi lang siya nanigarilyo… naging dependent na siya rito at hindi na makatigil. Siguro, sa kaibuturan niya, naramdaman niyang wala nang saysay ang sumubok pa. Nitong mga nakaraang buwan lamang siya nagsimulang magbawas, nang halos hindi namamalayan.Nang makita ang kasalukuyang kalagayan ni Hunter, hindi napigilan ni Enzo na tuksuhin ang kaibigan. “Hindi sa gusto kong maging malupit, pare, but your relationship is still this ambiguous. Tapos t
Read more